Mga mag-aaral sa Taal Volcano Island, tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Pagpapaunlad ng sektor ng pangkabuhayan at kooperatiba tinututukan ng Kapitolyo
May 27, 2019
1st TESDA Batangas graduation ngayong 2019, isinagawa sa Kapitolyo
May 29, 2019

May 29, 2019

Patuloy ang pagpapatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng iba’t ibang proyekto para mapataas ang antas ng edukasyon ng mga Batangueño. Bukod sa mga pangunahing proyektong pang-edukasyon, gaya ng pagtustos sa mga pangangailangan ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan, walang patid din ang pagsisikap nito na gawing malawakan ang pagtulong sa mga mag-aaral na Batangueño, kabilang ang mga naninirahan sa Taal Volcano Island.

Kaugnay nito, idinaos ang isang pagpupulong, sa pangunguna ng pamunuan ng Provincial School Board (PSB), noong ika-27 ng Mayo 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compund, Batangas City, kung saan isa sa pinagtalakayan ang pagbibigay ayuda sa mga mag-aaral sa isla.

Ipinanukala ni Gov. DoDo Mandanas na baguhin ang kasalukuyang ginagawang ayuda sa mga estudyante sa Volcano Island, na nakatuon sa paglalaan ng pondo para sa pagbabayad sa mga bangka, na naghahatid sa mga mag-aaral papunta at sumusundo mula sa mainland.

Sa halip, iminungkahi sa lupon na ilaan na lamang ang pondo sa transportasyon para sa boarding house at pagkain ng mga mag-aaral. Sa ganitong sistema, inaasahang malaki ang ginhawang maihahatid nito sa mga mag-aaral, sa halip na araw-araw na natawid sa lawa.

Makakatulong rin umano ito sa mga pagpapanatag ng kalooban ng mga magulang ng mga estudyante sa isla dahil sa mga panganib na kaakibat ng pagsakay sa bangka, lalo na tuwing hindi maganda ang lagay ng panahon.

Samantala, patuloy na sasailalim ang nasabing programa sa masusing pag-aaral, sa pakikipatulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of Education (DepEd), nang sa gayon ay maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon at maipaabot ang tulong para sa pagpapabuti ng estado ng mga mag-aaral sa isla ng Taal Volcano. – Marinela Jade Maneja, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.