Mga Gawain at Ayuda ng Provincial Social Welfare and Development Office para sa Taal Volcano Victims at Naaapektuhan ng COVID-19 Pandemic, Walang Tigil

Invitation to Bid (Sep. 30, 2020)
September 11, 2020
Kauna-unahang Virtual Awarding Ceremony, Isinagawa ng Provincial Health Office Kaugnay ng Lung Month Celebration 2020
September 13, 2020

September 12, 2020

Puno ng pagsubok ang taong 2020 dahil sa kasalukuyang pandemya na nakakaapekto sa buong mundo. Sa Lalawigan ng Batangas, dagdag pa rito ang pagputok ng Bulkang Taal noong buwan ng Enero.

Gayunpaman, walang tigil ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Gov. DoDo Mandanas, na makapagbigay ng tulong sa mga kababayan.

Sa naging panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay Gng. Jocelyn Montalbo, department head ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), noong ika-4 ng Setyembre 2019, malawakang tinalakay ang mga programa at proyekto ng kanilang tanggapan para sa mga biktima ng pagputok ng bulkan at ng COVID-19 virus.

Ayon kay Montalbo, tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong ng Kapitolyo, katuwang ang pamahalaang nasyunal, local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs) at mga pribadong kompanya indibidwal, sa nasa 549 na pamilya na lumikas sa Talaibon Interim Resettlement Area sa Bayan ng Ibaan.

Bukod sa mga ayudang pagkain at malinis na inuming tubig, hatid sa mga nawalan ng tirahan sa palibot ng Lawa ng Taal ang mga tulong pangkabuhayan, kagaya ng community gardening, katulong ang Provincial Agriculture, at iba’t ibang mga pagsasanaya, na hatid ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office, TESDA at mga NGOs.

Dagdag pa ni Ginang Montalbo, matapos makipagdayalogo ni Gov. DoDo Mandanas sa mga kinatawan ng National Housing Authority, ang mga kasalukuyang evacuees sa Talaibon site, na isang housing project para sa mga pulis at sundalo, ay hindi na palilipatin mula sa kanilang kasalukuyang tinitirahan kung pipiliin nilang doon na permanenteng manirahan.

Nakapamahagi na rin ang PSWDO ng humigit kumulang na ₱64 Milyon na emergency shelter assistance para sa 20,000 na pamilya, sang-ayon sa listahang ibinigay sa pamahalaang panlalawigan ng mga Municipal Social Welfare and Development Offices ng mga apektadong bayan.

Sa kasalukuyan, patuloy din ang pamamahagi ng ayuda bilang tugon sa krisis na dulot ng COVID-19, kabilang ang paglalaan ng halagang ₱20,000 na paunang tulong para sa bawat barangay sa lalawigan noong kasisimula pa lamang ng pandemya.

Binigyan rin ng mga tulong na pagkain at bigas ang mga sectoral groups, gaya ng selected senior citizens at persons with disability, mga jeepney drivers, tricycle drivers, repatriated Overseas Filipino Workers at mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Hindi rin umano tumitigil ang pamamahagi ng medical assistance, na dahil sa kinakailangan ang physical distancing, idinadaan na sa online application ang pagsusumite ng request para sa nasabing ayudang pinansyal.

Sa Facebook page ng PSWDO Batangas, makikita ang mga hakbang para sa pagpapasa ng mga kahilingan, kasama ang mga kaukulang dokumento o form. Ipinaalala rin ni Ginang Montalbo na sa kasalukuyan ay prayoridad ang mga medical procedures, kagaya ng chemotherapy at dialysis.

Tumutulong din ang pamahalaang panlalawigan sa cremation sa mga nasawi dahil sa COVID-19 virus, sa pakikipag-ugnayan at rekomendasyon ng Provincial Health Office, na pinangungunahan ni Dr. Rosvilinda Ozaeta.

Ipinaabot naman ni Gng. Montalbo ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga katuwang ng pamahalaang panlalawigan, kabilang ang mga social workers sa lahat ng lungsod at bayan sa lalawigan, na sa kabila ng krisis ay walang humpay ang pagtatrabaho upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kababayan.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.