Mga Batangueño sa Larangan ng Kultura at Sining, Kinilala

Mga Batangueño Student-writers, Pinarangalan Kaugnay ng 437th Batangas Province Foundation
December 11, 2018
Health and Wellness Forum para sa mga Kababaihang Senior Citizens, Isinagawa
December 13, 2018

Dangal ng Batangas. Kabilang si Dr. Sixto K. Roxas (gitna), na bantog sa larangan ng development planning at economics, sa mga Batangueñong ginawaran ng parangal dahil sa kontribusiyon sa kultura at sining, kasabay ng 437th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas na idinaos noong ika-8 ng Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas. Photo by: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Kaalinsabay sa 437th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas, na may temang “Live, Study, Work and Have Fun in Rich Batangas,” na idinaos noong ika-8 ng Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas, binigyang parangal ang mga personalidad at grupong malaki ang kontribusyon sa kultura at sining.

Ang nasabing parangal ay binuo ng mga kategoryang Eminent Person Award, Batangas Artist Awards, Heritage Preservation Award at Folk Artist Award.

Kaugnay nito, kinilala at ginawaran ng “Eminent Person Award” sina Mr. Danilo L. Dolor na isang businessman at art and music patron; Mr. Ryan R. Cayabyab, na kilala sa kanyang kontribusyon sa music industry ng Pilipinas at pinangalanan bilang National Artist for Music ngayong taon; at Dr. Sixto K. Roxas, na bantog sa larangan ng development planning at economics.

Pagdating naman sa Batangas Artist Awards, binigyang parangal si Mr. Aquilino Acasio ng bayan ng Lemery, sa larangan ng visual arts; Sta. Teresa College Cherubim, sa langaran ng musika; Ms. Cecilia Cordero-Diaz ng bayan ng Bauan, sa larangan ng sayaw; Architect Julius Raña ng Lipa City, sa larangan ng arkitektura; at, Mr. Allan Castañeda ng bayan ng Ibaan, sa larangan ng media arts.

Samantala, iginawad kay Architect Ariel Dela Cruz ng bayan ng Taal ang “Heritage Preservation Award,” habang nakamit ng Lahing Batangan Dance Troupe ng Lyceum of the Philippines University-Batangas ang “Folk Artist Award”. Marinela Jade Maneja – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.