Mga Bagong Ordinansang Panlalawigan, Iniulat

Mga Bagong Halal na SK, Sumailalim sa Pagsasanay
May 23, 2018
Notice of Vacant Position
May 28, 2018

May 23, 2018

Kasabay ng Flag Ceremony noong ika-21 ng Mayo 2018, nag-ulat ang sangay ng Lehislatura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas o ang Sangguniang Panlalawigan ng kanilang mga accomplishments ngayong unang kalahati ng taon. Ito ay sa pangunguna ng Secretary to th Sangguniang Panlalawigan Benjamin D. Nepales.

Ayon kay Nepales, nagkaroon ng 294 resolutions na naaprubahan ang Sangguniang Panlalawigan, kabilang dito ang mga pangkaraniwang resolusyon ng lalawigan, at resolusyon mula sa mga component cities at munisipalidad ng Batangas.

Kasama rin sa bilang na ito ang ilang na impotanteng Ordinansang o Panlalawigang mga batas na ipinasa at binigyang bisa ng Sangguniang Panlalawigan nitong taon lamang, dagdag ni Nepales.

Una na rito ay ang Ordinance for the Prevention, Control, Reduction and Mitigation of Vector Borne Diseases in Batangas and for other purposes na naglalayong makitil, mabawasan o mapigilan ang pagkalat o paglala ng mga sakit na dulot ng mga vectors o mga insekto at peste sa buong Batangas.

Ang sunod ay ang Ordinance Regulating the Resale of forfeited, unregistered real properties of the province of Batangas and other purposes. Ito ay nagbibigay ng guidelines para sa mga ari-arian o lupa sa Batangas na hindi na kayang buwisan at kailangan na isubasta.

Ang pangatlong ordinansa ay ang An Ordinance Amending section 2 of Article 2 of Provincial Ordinance Num. 1 year 2011, institutionalizing a Holistic Disaster Risk Reduction and Crisis Management for the Province of Batangas, na naglalayong mailatag ang mga aksyon at paraan ng pag responde bago at matapos ang kalamidad o iba pang kaugnay na bagay.

John Derick G. Ilagan – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.