Mga Bagong Halal na SK, Sumailalim sa Pagsasanay

Notice of Vacant Position
May 21, 2018
Mga Bagong Ordinansang Panlalawigan, Iniulat
May 23, 2018

May 23, 2018

Isang Mandatory Training ang inihanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG), katulong ang tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), para sa mga bagong halal na Sangguniang Kabataan Chairpersons at Councilors. Ito ay ginaganap mula noong May 17 hanggang May 27, 2018 sa iba’t-ibang Batangas State University (BSU) campuses tulad ng BSU Main, BSU Alangilan, BSU Malvar, at BSU Nasugbu.

Binigyang-diin na ito ay isang Mandatory Training, kung saan ang mga hindi makakadalo ay hindi pahihintulutan na makaupo sa kanilang mga posisyon. Ayon kay Emilio Katigbak III, Community Affairs Officer II ng PACD, upang maiwasan ang ganitong pangyayari, marapat lamang na makipag-ugnayan sila sa kanilang local DILG Officers upang makapagpa-reschedule ng kanilang training.

Ang mga kalahok sa naturang SK Mandatory Training ay mula sa mga bayan ng Taal, San Pascual, Mataas na Kahoy, Calaca, San Luis, Lemery, Tanuan, Calatagan, Bauan, Alitagtag, Rosario, Tuy, San Nicolas, Balayan, Talisay, Laurel, Padre Garcia, Nasugbu, Agoncillo, Tingloy, Balete, San Juan, Ibaan, Taysan, Sta. Teresita, San Jose, Mabini, Tanuan City, Lobo, at Batangas City.

Isa sa mga layunin ng training na ito ay ang pagsasanay sa mga kalahok na maging mga responsableng lider ng kabataan at ng mga mamamayan na nasasakupan ng kanilang lugar. Kaugnay nito, itinuturo sa kanila ang Decentralization and Local Governance, SK History and Salient Features, Meetings and Resolutions, Planning and Budgeting, at Code of Conduct and Ethical Standards.

Inaasahan naming na hindi ito matatapos sa ika-27 ng Mayo dahil sa mga barangay na nagpa-reschedule ng kanilang training.

Jean Alysa C. Guerra– Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.