Mga Ama Sa Kapitolyo, Binigyang Pugay

Silk Road Artists
June 16, 2017
Batangueño International Math Wizard Silver Awardee, Kinilala!
June 19, 2017

June 16, 2017

Bilang selebrasyon ng Araw ng mga Ama, binigyang pugay ang mga ama sa Kapitolyo ng Batangas Province kasabay ng Lingguhang Pagpupugay sa Bandila ng Pilipinas na ginanap sa Provincial Auditorium noong ika-19 Hunyo 2017.

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga sakripisyo at kagitingan ng mga ama, na pinasalamatan ni Gov Hermilando “Dodo” I. Mandanas kasama sina Vice Gov. Nas Ona at mga Board Members ng Sangguniang Panlalawigan, sa kanilang walang tigil na pagtulong at pagsisilbing inspirasyon para sa mga Batangueño. Hiniling din ng Gobernador ang patuloy na panalangin para sa mga ama ng tahanan na nagsisilbing gabay ng bawat pamilya.

Nagbigay kasiyahan sa mga kawani ang mga komedyanteng PakYaw Duo, na hatid ng Sangguniang Panlalawigan.

Dagdag dito, ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay naglaan ng isang araw na programa upang mas maipakita ang pasasalamat sa mga ama. Binigyan sila ng libreng gupit, masahe, manicure at pedicure na ginanap sa PSWDO Building. Bryan Mangilin | Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.