Medical and Dental Mission sa Prov’l. Jail, isinagawa ng PHO

Tapat na Batangueño na nagsauli ng mahigit sa kalahating milyon, binigyang parangal ng Kapitolyo
July 17, 2019
Invitation to Bid
July 22, 2019

July 19, 2019

Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga nasa piitan, pinangunahan ng Batangas Provincial Health Office (PHO) ang isang Medical and Dental Mission sa Batangas Provincial Jail, Sta Clara, Batangas City noong ika-19 ng Hulyo 2019.

Sa panayam kay Ginoong Noel L. Mendoza ng Provincial Jail, isinasagawa ng PHO ang medical missions ng isa hanggang dalawang beses kada buwan upang mapanatiling maayos ang kalusugan at makaiwas sa mga nakahahawang sakit ang mga inmates.

Sa kasalukuyan, bumaba ng halos limang daan ang bilang ng mga nakakulong sa nasabing piitan, kumpara noong mga nakaraang taon. May kabuuang 1,182 inmates sa kasalukuyan.

Kabilang sa mga serbisyong medikal na naibibigay sa mga inmates ang pag-alam ng blood pressure at timbang, pagbunot ng mga sirang ngipin at pamamahagi ng mga maintenance medicines.

Ayon kay Dr. Gerald Alday, ang PHO medical officer na namuno sa medical team, ang mga karaniwang sakit na naitala nila ay ang asthma, diabetes, hypertension, ubo, sipon at skin diseases.

Binigyang-diin din ni Dr. Alday na isa sa pinagtutuunan nila ng pansin ay ang pag-iwas na dumami ang sakit na Tubercolosis (TB), kung kaya’t patuloy ang kanilang gamutan para rito. Kamakailan, nakapagtala ng 7 kaso ng TB sa provincial jail.

Naging bahagi ng medical team ang mga dentists na sina Dr. Dionisio Burog, Jr., Dr. Randy Luneta, at Dr. Jane La Pena; Dr. Fortuna Celma Matibag; Nurse Klariza Evangelista; Nutritionist Cleotilde Arevalo; Midwife Hanna Joy Ona; Radiologic Technician Baby Eleonor Ibon; at, Imelda Mendoza. – Jun–Jun De Chavez, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.