Mandanas School Building, pinasinayaan sa San Roque, Bauan

Pagsasanay sa Manicure, Pedicure, Hand at Foot Spa ng Kapitolyo, patuloy na isinasagawa
May 7, 2019
TB-Free Island Initiative ng DOH CALABARZON, inumpisahan sa Tingloy, Batangas
May 8, 2019

May 7, 2019

Pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng bagong gawang Hermilando I. Mandanas (H.I.M) school building sa Mababang Paaralan ng San Roque, (MPSR) sa Munisipalidad ng Bauan noong ika-7 ng Mayo 2019.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. Dodo Mandanas ang pagpapahalaga ng kanyang administrasyon sa larangan ng edukasyon. Aniya, ang gusali, na may 6 na silid-aralan, ay isa ring pagpapatunay na walang katotohanan ang napapabalitang wala siyang nagagawa sa Bauan, na kanyang bayang sinilangan, bilang gobernador ng lalawigan.

Isinagawa rin ang Brigada Eskwela Kick Off Activity, na pinangunahan din ni Gov. Mandanas, kasama ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Kabilang sa mga naging saksi sa pagtitipon sina 2nd District BM Arlene Magboo; Provincial School Board Head, Engr. Evelyn Estegoy; MPSR School Principal, Mrs. Rianita Pasig-pasigan; Batangas Province Assistant Schools Division Superintendent, Dr. Cathy Maranan; Parents – Teachers Association (PTA) President Rowena Villanueva; at, mga Batangas Provincial Government scholars mula sa Bauan. ✎ Jun –Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO 📷 Eric Arellano — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.