Mandanas IRA Petition, Kinatigan ng Korte Suprema IRA Shares ng LGUs Madadagdagan

Validation para sa Mabini Batangan Awards 2018, Isinagawa
July 5, 2018
Sustainable Pig Farming patuloy na isinusulong sa Batangas
July 9, 2018

Panalo ng Batangueño, Tagumpay ng bawat Filipino. Inaasahang madadagdagan ang kabahaging IRA ng mga local government units sa buong bansa matapos paboran ng Korte Suprema, sa botong 10-3, ang tinaguriang Mandanas Petition, na inihain ni Batangas Gov. Dodo Mandanas para kuwestyunin ang proseso ng paghahati ng IRA para sa mga LGUs. Kasama ni Gov. Mandanas sa larawan si dating Sen. Aquilino Nene Pimentel, Jr., ang pangunahing abogado na humawak sa nasabing IRA Backpay petition at may-akda ng Local Government Code, nang maging tagapagsalita sila sa isang pagtitipon sa Batangas Capitol noong September 12, 2016. Vince Altar / Photo: Louie Hernandez - Batangas Capitol PIO

July 5, 2018

Panalo ng Batangueño, Tagumpay ng bawat Filipino. Inaasahang madadagdagan ang kabahaging IRA ng mga local government units sa buong bansa matapos paboran ng Korte Suprema, sa botong 10-3, ang tinaguriang Mandanas Petition, na inihain ni Batangas Gov. Dodo Mandanas para kuwestyunin ang proseso ng paghahati ng IRA para sa mga LGUs. Kasama ni Gov. Mandanas sa larawan si dating Sen. Aquilino Nene Pimentel, Jr., ang pangunahing abogado na humawak sa nasabing IRA Backpay petition at may-akda ng Local Government Code, nang maging tagapagsalita sila sa isang pagtitipon sa Batangas Capitol noong September 12, 2016. Vince Altar / Photo: Louie Hernandez – Batangas Capitol PIO

Sinang-ayunan ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni Batangas Gov. Dodo Mandanas na nagsasabing ang “just share” o Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga local government units (LGU), ayon sa 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang desisyon, sa pamamagitan ng botong 10-3, “partially grants” ang kasong isinumite noong Enero 2012 ni Gov. Mandanas, nang siya ay congressman pa ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Batangas, na kinuwestyon sa Supreme Court ng bansa ang maling pagtutuos at hindi wastong paglalaan ng IRA fund.

Dahil dito, inaasahang madaragdagan o mas lalaki ang alokasyon ng IRA ng lahat ng mga LGUs sa bansa.

Sa kanyang 23-pahinang petisyon, iginiit ni Gov. Mandanas na mula 1992 hanggang 2012, nasa 500 bilyong piso na ang halaga ng IRA na dapat naipamahagi sa mga pamahalaang lokal ng bawat lalawigan, lungsod, munisipyo at barangay. Ang pagsunod, aniya, ng pamahalaang nasyunal sa Saligang Batas at mga umiiral na batas ay magbibigay ng pagkakataon sa mga pamahalaang local na maipatupad ang mga kinakailangang proyekto na maghahatid ng basic services sa mga Filipino.

Binigyang-diin din ni Gov. Mandanas na ang Section 24 o Allotment of Internal Revenue Taxes ng Local Government Code ang tamang pamantayan para sa wastong kabahagi ng mga LGUs sa usapin ng IRA.

Hiniling din ni Gov. Mandanas sa SC na ipag-utos ang agarang pagpapalabas ng IRA sa mga LGUs, sang-ayon sa Section 6, Article X ng Konstitusyon na nagsasabing ang mga pamahalaang lokal ay dapat mabigyan ng karampatang kabahagi, base sa nakasaad sa batas, mula sa mga national taxes na kinakailangang awtomatikong ibigay sa mga ito.

Pinangunahan ni Gov. Mandanas, kasama ang 8 pang mga lokal na opisyal, ang pagsasampa ng petisyon sa Korte Suprema, habang si dating Sen. Aquilino Pimentel, Jr., ang may-akda ng Local Government Code, ang gumanap na pangunahing abugado ng mga ito. – Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.