Mandanas Administration Namahagi ng mga Laptop at Vocational Technology Machines at Equipment

Ordinance Providing for the Prevention, Control, Reduction and Mitigation ng Vector Borne Diseases ng Batangas- Inaprubahan
March 13, 2018
Outstanding MWCC at DWCC, Pinarangalan sa Provincial Women’s Month Celebration
March 19, 2018

Tulong pang-Edukasyon. Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang mga computer equipment at vocational technology machines sa mga school heads at guro ng mga public elementary and high schools ng lalawigan noong ika-13 ng Marso 2018 sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) Conference Room, Capitol Compound, Batangas City. Ma. Cecilei C. De Castro & Kimzel Joy T. Delen / Photo: Jhayjhay Pascua – Batangas Capitol PIO

March 14, 2018

Malugod na ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang mga computer equipment at vocational technology machines sa mga school heads at guro ng mga public elementary and high schools ng lalawigan noong ika-13 ng Marso 2018 sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pamamagitan ng Provincial School Board (PSB) Secretariat, na pinamumunuan ni Ms. Evelyn Estigoy, nakapamahagi ang Mandanas Administration ng 87 na laptops; 7 units ng single needle lock stitch machine; 45 units ng mechanical dough roller; at 150 units ng arc welding machines at mga accessories. Kasama din sa nagbigay ng mga nasabing kagamitan sina Mrs. Merly Pasatiempo ng Scholarship Division at Dr. Felizardo Bulaños, Assistant Division Superintendent ng Department of Education Batangas Province.

Sa mensahe ni Gov. Mandanas, ipinahayag niya na napakahalaga ng ginagawa ng mga guro sa paghubog ng pagkatao ng mga kabataan bilang sila ang mga susunod ng lider ng bayan. Ang pamamahagi ng mga kagamitan ay makakatulong sa mga guro aniya upang mas maitaas ang antas ng pagtuturo at wastong pagbabahagi ng mga dapat matutunan ng mga mag-aaral, partikular sa mga skills development ng mga nasa senior high school.

Dagdag pa niya, bukod sa mga naibigay na kagamitan ay pinaplano din na magkakaroon ng libreng internet sa bawat eskwelahan sa Lalawigan ng Batangas bago matapos ang taon at maglalaan din ng budget para sa Brigada Eskwela bago ang graduation. Ma. Cecilei C. De Castro & Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.