Maliputo Festival Muling Ipinagdiwang!

Notice of Vacant Positions
August 3, 2017
Sea Ambulance Naipagkaloob na sa 4 na Bayan sa Baybayin ng Taal Lake!
August 10, 2017

August 10, 2017

Muling ipinagdiwang ang Maliputo Festival noong ika-siyam ng Agosto 2017, kasabay ng pagdiriwang ng ika-animnapu’t dalawang Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng San Nicolas. Naging tampok na aktibidad sa festival ang nakakagutom na Maliputo Cook Fest, kung saan nagpagalingan ang mga kalahok ng pagluluto ng nasabing isda na sa Lawa ng Taal at Pansipit River lamang makikita at nahuhuli. Malugod na tinanggap nina Mayor William Enriquez at Vice Mayor Peping Sandoval at mga miyembro ng sangguniang bayan ang mga naging bisita sa foundation celebration, kabilang sina KABAYAN Party List Congressman Atty. Harry Roque, 3rd District Congresswoman Theresa Collantes, 3rd District Board Members Fred Corona at Devs Balba, Provincial Administrator Levi Dimaunahan, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro, Provincial Information Office OIC Jenny Aguilera at Provincial Tourism Officer Atty Sylvia Marasigan. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang Maliputo ay mula sa isdang Talakitok na nangingitlog sa “brackish water,” o iyong tubig kung saan nagsasama ang tubig alat ng dagat at tubig tabang ng ilog, sa may bibig ng Pansipit River. Ang mga bagong pisang isda ay napunta sa Balayan Bay, samantalang ang iba ay pumapasok sa Pansipit River hanggang sa makarating sa Lawa ng Taal. Ang mga isdang nakakaabot sa lawa ang tinatawag na Maliputo. Vincent Altar/Photo by Onin Castillo/Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
612

Comments are closed.