Mahigit 380K Batangueño Students sa mga pampublikong paaralan, balik eskwela na DepEd Batangas, tiniyak ang kahandaan para sa AY 2019 – 2020

Batangas Provincial Council for the Protection of Children, nag-ulat ng mga accomplishments at plano
June 4, 2019
CALABARZON Disaster Management Officers nagpulong sa Batangas
June 7, 2019

June 4, 2019

Opisyal na ngang nagbukas ang Academic Year 2019 – 2020 noong ika-3 ng Hunyo 2019 para sa maraming mga paaralan sa Lalawigan ng Batangas, kabilang ang mga pampublikong eskuwelahan.

Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo, ang official Radio Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ibinahagi ni Dr. Manuela S. Tolentino, Schools Division Superintendent ng Kagawaran ng Edukasyon ng Sangay ng Batangas, ang mga naisagawa at kahandaan para sa Taong Panuruan 2019 – 2020.

Batay sa datos ng Department of Education – Division of Batangas, ipinaalam ni Dr. Tolentino na tinatayang nasa 380,000 incoming Batangueño students ang papasok sa mga paaralan. Ang bumaba ang enrolment ay ang kindergarten dahil sa mahigpit na implementasyon ng pagsunod sa tamang edad ng mga batang ipapatala para sa naturang baitang.

Tinalakay din sa interview na ang ratio ng guro sa mga estudyante ay pumapatak sa bahagdan ng 1:40 hanggang 50 o isang guro para sa apatnapu, hanggang limampung estudyante bawat klase. Ito umano ay naka depende rin sa grade level.

Sa pagtiyak ng kaayusan at kahandaan ng mga pampublikong paaralan sa buong lalawigan bago magsimula ang mga klase, ang kagawaran ay nanguna sa aktibong pakikilahok sa isinagawang Brigada Eskwela. Malaki ang naging pasasalamat ni Dr. Tolentino kay Governor DoDo Mandanas at sa lahat ng bumubuo ng Provincial School Board para sa mga ipinagkaloob na materyales gaya ng mga pintura, semento, plywood at iba pa.

Upang mapabuti at mapagtibay naman ang pagbibigay ng serbisyo ng bawat guro, sumasailalim ang mga ito sa iba’t-ibang trainings at seminars.

Sa usapin ng kalusugan, binigyang-diin ni Dr. Tolentino na dapat tutukan ng mga magulang ang mga pagkaing ipinapabaon sa kanilang mga anak, nang sa gayon ay makuha ng mga ito ang wastong nutrisyon na kinakailangan para sa mas maayos na pag-iisip at pangangatawan ng bawat estudyante.

Hindi rin dapat umano mag-alala ang mga magulang sa mga canteen, sapagkat may Department Order na dapat sundin ang bawat eskuwelahan, kung saan nagbabawal na magbenta ng mga junk food, mga highly processed at iba pang hindi masusustansiyang pagkain.

Sa huling bahagi, pinaalalahanan ni Dr. Tolentino na wala dapat bayaran ang mga magulang sa pagpapatala o enrolment ng kanilang mga anak, alinsunod na rin sa mandato na magkaroon ng free basic education sa pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan.

Dagdag pa ni Dr. Tolentino, bagaman at walang babayaran sa mismong enrolment, maaari umanong magkaroon ng voluntary school contributions ang isang paaralan, simula buwan ng Agosto. Ito ay ang mga kontribusyon o bayarin na “on a voluntary basis,” tulad ng Boy and Girl Scouts of the Philippines membership fee, Philippine National Red Cross contribution, Parents-Teachers Association (PTAs) contribution, school publication fee at iba pa. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.