Lungsod ng Santo Tomas, Isang Taon nang Siyudad

Batangas Provincial Jail: Covid-19 Free na Muli
September 11, 2020
Invitation to Bid (Sep. 30, 2020)
September 11, 2020

September 11, 2020

Ipinagdiwang ng Lungsod ng Santo Tomas sa Lalawigan ng Batangas ang unang anibersaryo ng pagiging siyudad noong ika-7 ng Setyembre 2020, sa pangunguna ni Mayor Edna P. Sanchez, Vice Mayor Armenius O. Silva at ng Sangguniang Panlungsod, at kaisa si Vice Governor Mark Leviste.

Ang Santo Tomas ang ikaapat na lungsod sa lalawigan, kabilang ang Batangas City, Lipa City at Tanauan City.

Taong 2016 nang isulong ni dating 3rd District Congressman Nelson P. Collantes ang pagiging lungsod ng Munisipalidad ng Santo Tomas. Inaprubahan din ito ng Senado noong March 19, 2018.

Noong October 5, 2018, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11086 o “An Act Converting the Municipality of Santo Tomas in the Province of Batangas into a Component City to be known as the City of Santo Tomas.”

Photo: City of Sto. Tomas Facebook page

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.