Lung Scouring and Fecal Collection para sa mga Baboy, Patuloy na Isinasagawa ng ProVet

OPAg, Nagbigay Ayuda para sa mga Magsasaka at Mangingisdang Batangueño
July 3, 2018
Special Recruitment Activity ng PACD-PESO, Muling Isinagawa para sa Mamamayang Batangueño
July 4, 2018

July 4, 2018

Isinagawa sa limang bayan sa Lalawigan ng Batangas, kabilang ang Lemery, Sto. Tomas, Agoncillo, Ibaan at Batangas City, ang Lung Scouring and Fecal Collection sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office (ProVet) na mula ika-11 ng Hulyo at hanggang ika-13 ng Hulyo 2018.

Ang naturang operasyon ay isinagawa upang masuri ang mga baboy na mula sa Local Registry Meat Establishment ng mga nabanggit na bayan. Kumukuha sila ng mga sample tulad ng dumi ng mga baboy na siya naming ginagamit sa pagsusuri.

Ilan sa mga layunin ng aktibidad na ito ay upang malaman kung may mga anti-microbial resistance at respiratory diseases ang mga baboy.

Ang programang ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng ProVet sa Regional Disease Diagnostic Laboratory IV-A. – Maan Joy G. Saluta at Jean Alysa C. Guerra–Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.