Luksang Parangal Para kay Bokal Ramon Bausas, Idinaos sa Apolinario Mabini Legislative Building

Pinagsama-samang Pwersa ng mga Batangas Province Councils, Nagsagawa ng Pagpupulong
February 28, 2018
Provincial Development Council (PDC) Executive Committee, Nagsagawa ng Pagpupulong
March 1, 2018

Paalam Bokal Mon Bausas. Tiniklop nina Senior Board Member Wheng Sombrano Africa at 1st District BM Junjun Rosales ang bandila ng Pilipinas, na simbolo ng pagiging isang huwarang lingkod bayan, para ibigay sa kabiyak ng yumaong si BM Mon Bausas na si Atty. Glenda Bausas sa pagtatapos ng luksang parangal noong ika-2 ng Marso 2018 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City. Photo: Francis Milla - Batangas Capitol PIO

March 1, 2018

Paalam Bokal Mon Bausas. Tiniklop nina Senior Board Member Wheng Sombrano Africa at 1st District BM Junjun Rosales ang bandila ng Pilipinas, na simbolo ng pagiging isang huwarang lingkod bayan, para ibigay sa kabiyak ng yumaong si BM Mon Bausas na si Atty. Glenda Bausas sa pagtatapos ng luksang parangal noong ika-2 ng Marso 2018 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City. Photo: Francis Milla – Batangas Capitol PIO

Upang alalahanin at kilalanin ang di matatawarang pagbibigay serbisyo ni Bokal Ramon Bausas sa Lalawigan ng Batangas, higit sa kanyang nasasakupan sa Unang Distrito, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng isang luksang parangal noong ika-2 ng Marso 2018 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City.

Si Bokal Bausas, na kabilang sa mga kinikilalang pamilya ng Batangas sa larangan ng serbsiyo publiko, ay pumanaw noong ika-26 ng Pebrero 2018 sa edad na 48 taong gulang.

Dinaluhan ang nasabing luksang parangal nina Gov. Dodo Mandanas, Vice Gov. Nas Ona, mga dati at kasalukuyang Bokal na nakasama ni Bokal Bausas sa paglilingkod sa Sanggunian, 5th District Congressman Marvey Mariño, Batangas City Mayor Beverly Dimacuha, mga department heads ng iba’t ibang tanggapan at mga kawani ng Kapitolio at ang pamilya Bausas.

Nagbigay ng mensahe ang mga nakasama ni Bokal Bausas sa paglilingkod. Unang nagbahagi ng kanyang mensahe si Mr. Benjie Nepales, secretary ng Sangguniang Panlalawigan at sinundan nina former 4th District Board Members Caloy Bolilia at Mabel Virtucio, Atty. Florencio De Loyola at dating Vice Gov. Mark Leviste. Nagbahagi din ng mensahe at pakikiramay sina Bokal Mildred Sanchez, Pangulo ng Liga ng mga Konsehal; at, Bokal Willy Maliksi, Pangulo ng lahat ng Kapitan ng Lalawigan ng Batangas.

Isa-isa ding nagbigay ng kani-kanilang mensahe at istorya ng pagsasama na tumataktak sa kanilang mga puso at isipan ang mga kasalukuyang kasamahang Board Members (BM) ni Bokal Bausas na sina BM Lydio Lopez at BM Rowena Africa ng 6th District; BM Arthur Blanco at BM Claudette Ambida – Alday ng 5th District; BM Jesus de Veyra at BM Jaypee Gozos ng 4th District; BM Divina Balba at BM Fred Corona ng 3rd District; BM Arlin Magboo at BM Wilson Rivera ng 2nd District; at BM Jun Jun Rosales ng 1st District. Naging emosyunal si BM Rosales sa kanyang mensahe dahil sila ni Bokal Mon ang magkasama sa paglilingkod sa Unang Distrito ng Batangas, at laging magkausap tungkol sa mga proyekto at gawain para sa kanilang mga kababayan.

Nagpaabot din ng taos-pusong pakikiramay at pasasalamat si Gov. Dodo Mandanas para sa napakaraming accomplishments ni Bokal Bausas sa pagtupad ng kanyang tungkulin.  Si Bokal Bausas ang chairperson ng Committee on Laws, Rules and Ordinance.

Nagpahayag din ng mensahe ang asawa ni Bokal Bausas na si Atty. Glenda Bausas kasama ang kanilang dalawang anak na sina Angel at Ralph Renzo. Nagpasalamat siya sa suporta ng ibinigay ng lahat para sa kanyang asawa. Sa kanilang 24 na taon na pagsasama, nakita aniya ang dedikasyon sa pagsisilbi ng kanyang kabiyak sa Probinsya ng Batangas. Nagpapasalamat din siya dahil hanggang sa huling araw ay nanatili sila bilang isang buong pamilya.

Sa huling bahagi ay natipon-tipon sina Gov. Mandanas, Vice Gov. Ona, at mga Bokal para sa pagtutupi ng watawat ng Pilipinas bilang pagpupugay sa huwarang abugado, mambabatas at consultant na si Bokal Ramon I. Bausas. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.