Livelihood Settlement Grants Iginawad sa mga Dating Rebelde

Supplemental Procurement Plan for the Month of June and July, 2021
August 20, 2021
Phil ID Registration para sa mga Capitol Employees, Isinasagawa
August 21, 2021

August 21, 2021

Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) – CALABARZON Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Chief Joy Montalbo ang isinagawang pamamahagi ng Livelihood Settlement Grants (LSG) para sa mga dating rebelde noong ika-18 ng Agosto 2021 sa Kapitolyo sa Lungsod ng Batangas.

22 na mga nagbabagong-buhay na rebelde mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Lalawigan ng Batangas ang tumanggap ng grant, na nagkakahalagang ₱ 20,000 bawat isa. Ang kabuuang ₱ 440,000 ay mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

Sa tagubilin naman ni Gov. DoDo Mandanas, pinagkalooban din ng grocery food packs, na may kasamang face mask, face shield at vitamins, ang mga benepisyaryo mula sa programang Provincial Assistance Project Against COVID-19 (PAPAC).

Binigyan-diin ni Director Castillo na nais ng pamahalaan, sa pamamagitan ng kaunting puhunang pinagkaloob sa kanila, na makatulong sa mga pamilya ng mga nagbabalik-loob sa pamahalaan sapagkat ang kaunlaran ng pamilya aniya ay kaunlaran din ng bawat komunidad.

Ang nasabing programa ay bahagi ng mga pagsisikap ng pamahalaan upang wakasan ang pag-aalsa ng mga Komunista at upang matulungan ang mga dating rebelde na maibalik sa normal ang buhay at kabuhayan.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.