Laptop para sa Public School Teachers, Patuloy na Ipinamamahagi ng Kapitolyo

Senior Citizens ng Laurel, Batangas Tinurukan na ng Unang Dose ng Bakuna
May 1, 2021
Help in Motion Medical Services Assistance ng Kapitolyo, mas Pinagtitibay Kasama ang Private Medical Hospitals at Laboratories
May 1, 2021

May 1, 2021

1,254 na mga Guro na ang Nakatanggap ng Laptops

Bilang pagsuporta sa mga Batangueñong guro sa mga pampublikong paaralan, ipinagpatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pangalawang batch ng pamamahagi ng laptop computers simula noong ika-27 Abril 2021.

812 na mga guro ang nakatanggap ng kani-kanilang mga laptop sa 2nd batch ng distribution, alinsunod sa proyektong isinusulong ni Governor DoDo Mandanas sa pangunguna ng Provincial School Board, katuwang ang Department of Education – Batangas Province.

1,254 na laptops na ang kabuuang bilang ng naipamahagi, kabilang ang 812 na nauna nang natanggap ng mga guro noong unang batch ng distribution noong ika-22 hanggang ika-24 ng Marso.

Sa panayam kay Faustina Mendoza, Teacher III sa Bagalangit Elementary School sa Bayan ng Mabini at isa sa mga napiling benepisyaryo, napakalaking tulong ng mga laptop para sa kanilang mga guro sa pagpapaabot ng edukasyon sa mga estudyante sa panahong ito ng pandemya.

Kasunod sa schedule ng laptop distribution, na ginaganap sa Provincial Sports Complex sa Lungsod ng Batangas, ang mga guro mula sa mga Bayan ng Balete, Laurel, Cuenca at Mataas na Kahoy.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.