Lalawigan ng Batangas, Kabilang sa mga Moderate-risk Areas na Isasailalim sa GCQ

Batangas LMP President Magiging Bahagi na rin ng COVID-19 Inter Agency Task Force
May 13, 2020
Notice of Award – Purchase of 22,857 Sacks Sinandomeng Rice
May 13, 2020

May 13, 2020

Isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Lalawigan ng Batangas simula ika-16 ng Mayo matapos mapabilang sa listahan ng mga Moderate Risk Areas, sang-ayon sa Resolution No. 35 ng National Inter-Agency Task Force for the the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, sa isinagawang Provincial IATF meeting noong ika-12 ng Mayo 2020, na ginanap sa Provincial Health Office sa Lungsod ng Batangas, ipinabatid ni Governor DoDo Mandanas na nakatada umano siyang maglabas sa Biyernes, ika-15 ng Mayo, ng isang Executive Order na babanghay sa mas detalyadong mga hakbang na ipatutupad para sa lalawigan. Ito ay gagabayan ng mga panuntunang imumungkahi ng mga kasaping miyembro ng IATF.

Ayon pa kay Gov. Mandanas, tatalakayin din sa nasabing EO ang mga paaralan na itinalaga ng ilang mga local government units sa probinsya bilang kanilang pansamantalang COVID-19 facility. Ito ay upang mabigyan din ng kaukulang tagubilin at aksyon ang Department of Education patungkol sa usaping ito.

Malugod ding ibinahagi ng gobernador na ang Lalawigan ng Batangas ay nakatakdang makatanggap ng Personal Protective Equipments (PPEs) na donasyon mula sa bansang Singapore.

Bukod dito, sa ulat naman ng tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management, ang Office of the Civil Defense (OCD) IV-A umano ay naglaan na ng 1,000 PPEs para sa Batangas Medical Center.

Upang may magamit naman ang 12 District Hospitals, at ang 30 bayan at 4 na lungsod ng probinsya, kasalukuyan nang ikinakasa ang paggawa ng mga requests para sa karagdagan pang suplay ng PPE at Rapid Diagnostic Test (RDT) Kits.

Samantala, sa pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine extension sa lalawigan sa Mayo 15, inaasahan na patuloy pa rin ang ang pagsunod sa mga nakasanayan nang pag-iingat tulad ng pagsusuot ng face mask kapag nasa labas ng tahanan, social o physical distancing, temperature checks, at iba pang good hygiene practices na ipinatutupad ng Department of Health.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.