Lalawigan ng Batangas, 3rd Top Destination sa Pilipinas noong 2018

2019 Lakbay Sining ‘Bayan Mo, Ilakbay Mo’, matagumpay
July 29, 2019
‘pag “Push ng pagkain ng wasto, pagiging aktibo” ipinagdiwang sa Kapitolyo
July 31, 2019

July 29, 2019

Hindi maikakaila na ang Lalawigan ng Batangas ay pinagpala sa mga kilalang destinasyong panturismo, na tunay na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista. Dahil dito, hindi na nakapagtataka na mapabilang ang probinsya at mahirang bilang pangatlo sa top tourist destinations sa buong Pilipinas para sa taong 2018.

Ang listahan ng mga pangunahing destinasyon sa bansa ay pormal na inanunsyo ng Department of Tourism, sa pamamagitan ng Office of Tourism Development Planning, Research and Information Management, sa idinaos na Philippine Tourism Satellite Account and Tourism Statistics Dissemination Forum noong ika-26 ng Hulyo 2019.

Nanguna sa sampu ang Cebu, na sinundan ng Camarines Sur, Batangas, Davao Del Sur, Palawan, Benguet, Albay, Negros Occidental, Rizal, at Subic.

Nakuha ng probinsya ang pagiging Top 3 sa buong bansa at Top 1 naman sa buong rehiyon ng CALABARZON dahil sa mataas na bilang ng tourism data ng domestic and foreign overnight visitors.

Lubos naman ang pasasalamat ni Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office Head, sa patuloy na pagsuporta sa mga programa para sa turismo nina Governor DoDo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga Local Government Units, tourism enterprises, at mga stakeholders sa industriya. – Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.