July 17, 2017
Dinaluhan ng mga kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, mga Kooperatiba, ilang media at mga kawani ng gobyerno ang naging KOOPulong Cooperative Forum noong ika-14 ng Hulyo 2017 ng ginanap sa Provincial Cooperative Development Center, Capitol Complex, Batangas City.
Sa pangunguna ni Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprises Development Office Department Head, Celia Atienza, nairaos ang programa ng Livelihood o Kabuhayan Program at Emergency Employment Program (EEP) o Tulong Panghanapbuhay para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Malugod naman itong sinang-ayunan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang napakagandang layunin ng programang ito. Ayon sa gobernador, lahat ng tulong na maaari pang maibigay para sa mamamayang Batangueno ay nararapat mapunta at maigawad agad-agad sa kanila.
Naging pangunahing panauhin ng nasabing pagtitipon si 6th District Senior Board Member, na Chairperson ng SP Committee on Cooperatives, Hon. Rowena Sombrano-Africa at Representative, AGAP Partylist, Hon. Rico B. Geron.
Nagpakita rin ng suporta ang mga 5th District Board Members na sina Bokal Bart Blanco at Bokal Claudette Ambida-Alday. Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Batangas