KOOP Quiz 11th Blast, idinaos sa Kapitolyo

Lalawigan ng Batangas, 3rd Richest Province sa Pilipinas noong 2018
October 21, 2019
Free Seminar on Meat Processing, isinagawa sa Kapitolyo
October 21, 2019

October 21, 2019

Kaugnay sa taunang Cooperative Month celebration, isinagawa ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) ang KOOP Quiz 11th Blast noong ika-18 ng Oktubre 2019 sa Provincial Cooperative Livelihood Center, Capitol Compound, Batangas City.

Ang provincial level ng paligsahan, na naglalayong maibahagi sa mga kabataang Batangueño ang kahalagahan at kontribusyon ng mga kooperatiba sa kaunlarang panlipunan at pang-ekonomiya, ay sinalihan ng mga estudyante na kumatawan sa 34 na mga lungsod at munisipalidad sa Lalawigan ng Batangas.

Nanalong 1st placer si Andrea Rizelle E. Ng ng Batangas City, mula sa St. Bridget College, na nagkamit ng pinakamataas na marka na 129 points, at nag uwi ₱10,000 at trophy. Nagkaroon naman ng tie breaker para sa 2nd at 3rd place, nang magtabla sa 126 points sina Von Mathew A. Pangilinan ng Servite Catholic School ng Laurel at Josel Mark B. Lopez ng Blue Isle
Integrated School ng Sto. Tomas City. Nakuha ni Pangilinan ang 2nd place at ₱7,000.00 at tophy, samantalang naging 3rd placer si Lopez, na nagkamit ng premyong ₱5,000.00 at trophy.

Ang top 2 placers ang magiging representatives ng Lalawigan ng Batangas sa gaganaping Koop Quiz Regional Level. Lahat naman ng mga kalahok ay nakatanggap ng ₱4, 000.

Gumanap na mga judge o panelist sa nasabing aktibidad sina Mr. Orlando Casanova, Education Program Supervisor ng Department of Education – Batangas; Dr. Angelito Bagui, Chairperson ng Cooperative Union of Batangas; at Ms. Evelyn Delos Reyes, Senior Cooperative Development Specialist ng Cooperative Development Authority.

Nagpasalamat naman si Mrs. Celia Atienza, PCLEDO department head, sa mga mag-aaral na nakilahok at mga cooperative stakeholders na dumalo sa pagtitipon.

Shelly Umali, Photo by: PCLEDO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.