Konstruksiyon ng kauna-unahang pagawaan ng steel beams sa bansa, sisimulan na sa Lemery, Batangas

COA – Prov’l. Satellite Office Groundbreaking Ceremony, Isinagawa
April 23, 2019
Joint Semi-Annual Meeting ng PNC-TWG, MNAO at BNS Presidents, isinagawa
April 24, 2019

April 23, 2019

Aarangkada na ang konstruksiyon ng Steel Asia Lemery Works, na inaasahang makalilikha ng 8,500 na trabaho, kasunod ng groundbreaking ceremony na idinaos noong ika-23 ng Abril 2019 sa Brgy. Mataas na Bayan, Lemery, Batangas.

Pinasimulan ang programa ni Steel Asia Chairperson & Chief Executive Officer Benjamin O. Yao sa pamamagitan ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa groundbreaking ceremony. Binati rin ni Chairman Yao ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ni Gov. DoDo Mandanas, sa suporta sa itatayong pagawaan ng bakal sa Bayan ng Lemery.

Ayon kay Yao, ang proyektong ito ay makapagbibigay ng 1,500 direktang trabaho at 7,000 mga trabaho mula sa suporta para sa bubuksang pabrika. Ang pasisimulang steel plant sa lalawigan ang kauna-unahang makagagawa ng steel beams sa bansa.

Ayon kay Gov. DoDo Mandanas, ang Steel Asia ay magiging isang bantayog sa lalawigan sa katatagan ng diwang maka-Pilipino sa larangan ng produksyon ng bakal sa bansa, at paghahatid ng maraming pagkakataon sa mga Batangueño upang magkaroon ng matatag na hanapbuhay. ✎ JunJun De Chavez/ Photo: JunJun De Chavez. – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.