Kasunduan sa Pagpapagawa ng Batangas Airport, Seaport at Railway, Nilagdaan ni Gov. Dodo at China Real Estate Group

Filipino Chinese Economic Partnership
November 27, 2017
Batangas Provincial Library, 4th Placer sa 2017 Outstanding Public Libraries Search
November 27, 2017

Onwards to a Rich Batangas. Lumagda si Batangas Governor Dodo Mandanas sa isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Gobernador ng Batangas at Teamrise Group Co. Ltd. ng China noong November 24, 2017 sa Hong Kong para sa anim na mga proyekto sa lalawigan, kabilang ang pagawaing may kinalaman sa airport, seaport at railway. Ang paglagda sa kasunduan ay sinaksihan nina Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Special Envoy of the President to China Fernando Borja at Philippine Ports Authority representative Elmer Cadano. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Lumagda si Batangas Governor Dodo Mandanas sa isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Gobernador ng Batangas at Teamrise Group Co. Ltd. ng China na isang mahalagang hakbang para sa pag-usad ng mga proyektong inaasahang lalo pang magsusulong sa ekonomiya ng Batangas Province.

Naganap ang MOU signing noong ika-24 ng Nobyembre 2017 sa Hong Kong, kung saan napagkasunduan ang posibleng pagpasok ng Chinese real estate development company sa anim na mga proyekto sa lalawigan, kabilang ang pagawaing may kinalaman sa airport, seaport at railway.

Ang paglagda sa kasunduan ay sinaksihan nina Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Special Envoy of the President to China Fernando Borja at Philippine Ports Authority representative Elmer Cadano.

Ayon sa Bloomberg.com, ang Teamrise Group ay isa sa mga malalaking real estate companies ng China.  Bukod dito, ang Wuhan, China – based company ay nangangapital din sa investment, trade, energy and vision industries.  Sila rin ay aktibo sa national “Belt and Road Initiative” ng kanilang bansa at itinatag ang ASEAN Development Corporation para sa patuloy na pamumuhunan sa Southeast Asian market.   Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.