Kasunduan para sa Pabahay ng mga Batangueño, Nilagdaan ni Gov. Mandanas at Social Housing Finance Corp.

Batangas Capitol, Kaisa sa Pagdiriwang ng 120th Civil Service Anniversary
September 11, 2020
Batangas Provincial Jail: Covid-19 Free na Muli
September 11, 2020

September 11, 2020

Pormal na nagkasundo ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa implementasyon ng mga proyektong pabahay para sa mahigit 250 na pamilyang Batangueno mula sa tatlong munisipalidad ng lalawigan.

Isinagawa ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MoU) noong ika-10 ng Agosto 2020 sa isang “virtual ceremony,” na pinangunahan nina Batangas Governor DoDo Mandanas at SHFC President Arnolfo Ricardo Cabling.

Sa ilalim ng kasunduan, popondohan ng SHFC ang pagbili ng lupa, site development at house construction sa pamamagitan ng flagship initiative nitong Community Mortgage Program (CMP). Ang SHFC ang ahensya ng pamahalaan na itinalaga upang pondohan ang social housing program.

Ang proyektong pabahay ay tinatayang makakatulong sa 255 mga pamilya mula sa 11 barangay sa mga Bayan ng Nasugbu, Tuy at Balete. Inaasahang mas marami pa ang makikinabang sa nasabahing housing project, sang-ayon sa patuloy na pagpaplano.
Binabalangkas na rin ang posibleng joint project ng SHFC at ng pamahalaang panlalawigan para sa pagpapagawa ng permanent shelters para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 2020.

Ayon sa SHFC, kasalukuyan silang may kasunduan, para sa mga kaparehong proyekto, kasama ang 93 na local government units sa bansa, at nakatulong na magkabahay sa mahigit 400,000 na pamilya, sa pamamagitan ng ₱24 billion na loan assistance sa ilalim ng CMP.

Kasamang dumalo sa isinagawang online ceremony sina Provincial Administrator Levi Dimaunahan at mga kinatawan ng Housing Division ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Ginoong Ronel Del Rio.

Batangas Capitol PIO, Photo: Manila Times

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.