Kapitolyo, Muling Nakiisa sa World Mangrove Day

Notice of Award
July 24, 2020
Notice of Award
July 29, 2020

July 29, 2020

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), ay walang humpay na nagsasagawa ng iba’t-ibang pamamaraan upang mas maisulong pa ang magpapanatili ng maayos na pamamahala at pag-iingat sa mga bakawan sa lalawigan.

Kaugnay ito, nakiisang muli ang probinsya sa pagdiriwang ng “International Day for the Conservation of Mangrove Ecosystem,” na isinasagawa tuwing ika-26 ng Hulyo bawat taon.

Ang naturang selebrasyon ay sang-ayon sa adaptasyon o pagsasalin ng General Conference of the United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 2015, na naglalayong maitaas ang kamalayan ng mga mamamayan sa kahalagahan ng “mangrove ecosystem” o bakawan bilang isang natatangi at espesyal na ecosystem na matatagpuan sa mga hangganan o pagitan ng lupa at dagat.

Ayon sa PG-ENRO, katuwang ang mga coastal Local Government Units (LGUs), mga miyembro ng academe, non-government organizations (NGOs), at mga pribadong samahan, napapangalagaan at napaparami nila ang mga bakawan sa pagsasagawa ng mga planting activities, pagtatasa o assessment, at sa masusing pagsubaybay sa mga ito.

Mahalaga umano ang pagkakaroon ng mga bakawan dahil malaki ang ginagampanan nito sa kalusugan, seguridad sa pagkain, at hanapbuhay sa mga komunidad na nasa baybaying dagat. Ang bakawan din ang sumusuporta sa isang mayaman na biodiversity dahil nagsisilbi itong tirahan o nursery sites para sa mga isda at crustaceans.

Bukod dito, nakakatulong din ang mangrove upang maprotektahan ang mga baybayin sa maaaring maging epekto ng bagyo, tsunami, pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, at pagguho ng lupa na dulot ng climate change.

M.J.Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: PG-ENRO
Mula sa ulat ng Batangas PG-ENRO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.