Kampanya ng Lalawigan Laban sa Dengue at iba pang Vector Borne Diseases, Pinagtibay

Updates of Dengue Cases in Batangas
August 14, 2019
Invitation to Bid
August 20, 2019

August 15 , 2019

Muling ipinatawag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang binuong Anti- Vector –Borne Disease Campaign Committee upang talakayin ang banta ng Dengue Fever sa lalawigan noong ika-14 ng Agosto.

Kabilang sa mga ahensyang dumalo sa pagpupulong ang Department of Health, Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Social Welfare and Development, Department of Education, Provincial Government Environment and Natural Resources Office, ganoon din ang Batangas PNP, Bureau of Fire Protection, Philippine Red Cross Batangas Chapter at Rural Health units ng Lungsod ng Batangas at Lipa.

Pinangunahan ni Provincial Health Officer Dr. Rosevilinda Ozaeta ang presentasyon ng kalagayan ng dengue sa lalawigan.

Ipinahayag niya sa lupon na nakahanda ang lalawigan sa oras na lumampas ito sa dengue cases threshold na magiging dahilan upang ideklara ang dengue epidemic outbreak sa Batangas.

Ipinagbigay alam nito sa mga ahensya na siniguro ng Provincial Health Office (PHO) ang supply ng dugo at iba pang mga medisina na kakailanganin ng mga lokalidad sa oras na dumagsa na ang mga pasyente sa mga pagamutan bukod pa sa mga naitalagang dengue fast lanes sa mga pagamutan sa lalawigan.

Ibinahagi din nito ang interbasyon na isinasagawa ng kanyang tangagapan sa pagsugpo di lamang ng dengue kung hindi pati na rin lahat ng sakit na maaring dala ng mga lamok.

Ilan sa mga ito ang misting operations sa mga pamayanan at paaralan, insecticide spraying, olyset nets distribution, entomological surveillance, community assemblies at information and awareness campaign.

Nilinaw naman nito, na bagamat may mga kaso ng dengue, hindi pa rin sapat ang bilang ng mga ito upang mag deklara ang lalawigan ng dengue epidemic outbreak.

Bagkus hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Governor DoDo Mandanas ang lahat ng lokal na pamahalaan na pag ibayuhin ang kanilang 4-s campaign o ang sabayang paglilinis ng mga pamayanan ng kanilang kapaligiran upang masugpo ang mga lamok.

Sa istatistikong ibinigay ng DOH, pumapangatlo ang Batangas sa CALABARZON region na nagtala ng kaso ng dengue ay nakapagtala ito ng 29 kaso bukod sa 3470 suspected cases, o inaakalang dengue, at 1157 probable cases ngayong 2019.

Ilang mga pagsusog ng mga pagbabago at review sa Provincial Anti-Dengue Ordinance ang isinagawang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni 2nd District Board Member Dra. Arlene Magboo.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.