Kagitingan ng mga Batangueño sa Pagputok ng Bulkang Taal, Tampok na Paksa sa Lakbay Sining 2020

Notice of Award – Purchase and deliver of Frozen/Processed Foods for the operationalization of the Provincial Mobile Market (Development and sustainability of Barangay / Community-Based Retail Industry
September 14, 2020
SUPPLEMENTAL BID NO. 4 – Project Title: Supply and delivery of 1,000 units rescue vehicles for use of various barangays and municipalities of the Province of Batangas under its Capability Building Program
September 15, 2020

September 15, 2020

Ikaapat na Edisyon ng Kompetisyon, Idinaos Online sa Kauna-unahang Pagkakataon

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Turismo at Ugnayang Pangkultura (PTCAO), at sa pakikipagtulungan ng Batangas Culture and Arts Council (BCAC) Visual Arts Sector, ang 2020 Lakbay Sining Painting Competition, na idinaos online sa kauna-unahang pagkakataon kaalinsabay ng pagdiriwang ng World Tourism Month ngayong buwan ng Setyembre.

Ang naturang kompetisyon ay opisyal na inilunsad noong buwan ng Abril at nagtapos noong ika-10 ng Setyembre 2020 sa pamamagitan ng isang online live streaming awarding ceremony, kung saan binigyang parangal at kinilala ang galing ng mga Batangueño sa larangan ng pagpipinta.

Sa gabay ng temang “Art for Humanity: “Pagsubok sa Kagitingan ng mga Batangueño sa Pagputok ng Bulkang Taal” kinatampukan ang painting competition ng may kabuuang 63 na Batangueño artists, kabilang ang 30 na amateur at professional painters, at 33 na mga mag-aaral.

“Ngayong taon ang may pinakamaraming lumahok sa loob ng apat na taon ng kompetisyon,” ani Mr. Virgilio Cuizon, isang Batangueño visual artist na 2004 Presidential Banaag awardee, at tumatayong consultant ng BCAC.

Sa ilalim ng amateur at professional category, hinirang bilang 1st placer si Jericho Windsor Magnaye ng Bayan ng Bauan, sa kaniyang obrang “Pagbangon sa Pagkakatabon”, na nakatanggap ng ₱20,000; 2nd place si Angelito Matibag ng Lungsod ng Batangas, sa obrang “Taal Heroes” na may naiuwing ₱10,000; 3rd place si Randy Macalindong ng Bayan ng Tuy, sa obrang “Ako ay Babalik at Muling Babangon” na may naiuwi namang ₱7,500; 4th placer si Emmanuel Mendoza ng Balayan, na may obrang pinamagatang “Young boy feeding stray dogs” at 5th placer si Janwel Castro ng Tuy sa kaniyang likha na “Buklod ng Pamilya,” at kapwa nakatanggap ng ₱5,000. People’s Choice awardee naman ang ipininta ni Jerwind Magnaye na may titulong “Maglupage’y Gagaor Ule”, na may cash prize na ₱7,500.

Sa student category, nanalo naman sina Ian Encarnacion ng Bayan ng Laurel ng unang gantimpala at People’s Choice award, na may kabuuang cash prize na ₱12,500, para sa kaniyang likha na “Sinag sa Abo”; Christmae Paglinawan ng Bauan, ikalawang gantimpala at ₱7,500; Airon Sire Adan, ikatlong gantimpala at ₱5,000; Genel Anne May Anonuevo, ikaapat na gantimpala at ₱2,500; at Vince Martin Macatangay ng Padre Garcia, ikalimang gantimpala at ₱2,500.

Samantala, ayon kay Cuizon, hindi man siya nakapagbahagi ng kaalaman patungkol sa sining biswal at nailakbay ang mga obra sa iba’t-ibang bayan ngayong taon, tulad ng nasimulan noong taong 2017, dahil sa kasalukuyang bantang pangkalusugan ng COVID-19 pandemic, naging malawak naman umano ang naabot at marami ang nakakita sa mga kahanga-hanga at tunay na maipagmamalaking likhang Batangueño sapagkat online ang naging pamamaraan ng exhibit o pagtatampok sa mga ito.

Ang Lakbay Sining ay isang proyekto na nagsimula bilang traveling exhibit kung saan ang mga obra ng bawat kalahok ay sumisimbolo sa makulay na sining at kultura ng Lalawigan ng Batangas. Ito rin ay binansagang campaign drive, na may layuning ikutin ang iba’t-ibang munisipalidad at lungsod sa probinsya para maipamulat sa publiko at mabigyang halaga ang sining biswal.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO/Photo: PTCAO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.