Joint Semi-Annual Meeting ng PNC-TWG, MNAO at BNS Presidents, isinagawa

Konstruksiyon ng kauna-unahang pagawaan ng steel beams sa bansa, sisimulan na sa Lemery, Batangas
April 23, 2019
Paglalaan ng pondo para sa mas epektibong kampanya laban sa droga, isusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
April 24, 2019

April 24, 2019

Isa sa mga patuloy na tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayang Batangueño, kaya naman isinagawa ang Joint Semi-Annual Meeting ng Provincial Nutrition Council – Technical Working Group (TWG) Members, Municipal Nutrition Action Officers (MNAO) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) Presidents, na pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO), noong ika-23 ng Abril 2018 sa PSWDO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Naging pangunahing paksa sa isinagawang pagtitipon ang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Pro, na naglalayong suriin ang pagiging epektibo ng Local Government Units (LGUs) sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga lokal na programang pang-nutrisyon sa lalawigan. Sinundan ito ng paglalahad ng Schedule ng nalalapit Regional Evaluation para sa Search for Regional Outstanding BNS at Provincial MELLPI.

Tinalakay dito ang naging resulta ng 2018 Supplementary Feeding, kung saan nagsilbing benepisyaryo ang 1,399 bata mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan. Naitalang 963 bata ang ang bumuti ang kalagayan, matapos sumailalim sa tatlong buwan ng supplementary feeding; 213 ang normal to normal nutritional status; 588 ang underweight to normal nutritional status; 113 ang severely underweight to underweight; at, 49 na severely underweight to normal.

Samantala, napag-usapan rin sa pagtitipon ang mga plano para sa 2019 Provincial Nutrition Development Program, Nutrition Month Celebration at Status of BNS Projects.

Inaasahan ng Batangas Capitol, na sa pamamagitan ng regular na pakikipagdayalogo sa mga focal persons ng PNC, ay higit pang mapapalawig ang mga programang pangkalusugan sa lalawigan, patungo sa pagsugpo sa malnutrisyon at pagpapabuti sa kalusugan ng mga mamamayang Batangueño. – Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.