Joint Regional & Provincial Children’s Month Celebration 2019, isinagawa sa Batangas Capitol

Ayuda sa mga kababayan, ipinamahagi ng Batangas Capitol
November 21, 2019
Paghahanda para sa Bulkang Taal, tinalakay sa Kapitolyo
November 21, 2019

Novermber 21, 2019

Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Region IVA, ang Joint Regional and Provincial Children’s Month Celebration noong ika-19 ng Nobyembre 2019 sa Capitol Compound, Batangas City.

Mahigit 800 na mga kalahok mula sa mga lalawigan ng CALABARZON ang nakisaya sa selebrasyon na ginanap sa Provincial DREAM Zone at Auditorium. Natatangi ang naging opening prayer sa pagtitipon, na pinangunahan ng mga kabataan, at nagbigay-daan sa mga Sama Badjau, na bumigkas din ng panalangin sa kanilang dayalekto.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Governor DoDo Mandanas ang kanyang suporta sa programa para sa mga kabataan, at binigyang-diin ang patuloy ng pagpapalakas ng mga proyekto para sa kagalingan ng mga ito, particular sa larangan ng edukasyon.

Ginawaran naman ng pagkilala dahil sa kanilang Child-Friendly Local Governance noong taong 2018 ang 34 na pamahalaang lokal ng Batangas Province. Sa Child-Friendly Barangays, nanguna ang Brgy. Balakilong, Laurel, na nagkamit ng ₱50,000, at sinundan ng Brgy. Sinisian, Calaca bilang 2nd Placer at nakatanggap ng ₱20,000.

Sa mga patimpalak na naunang isinigawa noong ika-11 ng Nobyembre, napiling pinakamagaling sa Balagtasan ang grupo nina James Tyron C. Barrion, Rhyzelle V. Moreno, at Kieffer A. Pesigan ng Bayan ng San Luis, Batangas, na nagkamit ng ₱6,000 at Plaque of Recognition; samantalang sa Draw and Tell, itinanghal na kampeon ang 4 na taong-gulang na si Cheryz Ezra C. Castromero ng Bayan ng Calatagan, na nag-uwi ng ₱4,000 at Plaque of Recognition.

Ilang mga kabataan ang nagpakitang gilas sa pamamagitan ng kanilang mga talento, kagaya ng pagsayaw, pagkanta at pagtugtog sa banda.

Pinasalamatan naman ni Ms. Jocelyn R. Montalbo, Department Head ng PSWDO, ang lahat ng nakiisa sa pagtitipon para sa mga kabataan ng CALABARZON, sa pangunguna nina Ms. Lucia G. Almeda, Assistant Regional Director for Operations ng DSWD IV-A, at Mr. Jacob Taguinod ng Council for the Welfare of Children.
Pagkatapos ng programa sa auditorium, nagtungo ang mga partisipante sa DREAM Zone para sa mga inihandang booths at services para sa mga bata, kabilang ang pagbibigay ng dental services ng mga dentista ng Provincial Health Office; pamamahagi ng payong, shirts, IEC materials at school supplies ng ilang non government organizations at Philippine National Police Batangas; at pagpapalitrato sa photo booth.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.