Job Fair, muling isinagawa sa Kapitolyo

18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children, sinimulan na sa Batangas Capitol
November 28, 2019
3rd Quarter Batangas Provincial Voluntary Blood Services Program Meeting, idinaos
December 2, 2019

December 2, 2019

Sa pangunguna ng Public Employment Services Office (PESO), na nasa ilalim ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), muling nagsagawa ng Job Fair ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kung saan may mga lokal at overseas jobs na naghihintay para sa mga Batangueño, na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-29 ng Nobyembre 2019.

25 na local at 5 na overseas companies ang nakilahok sa nasabing Job Fair, kung saan mahigpit na ipinatupad sa nasabing Job Fair ang “No Resume, No Entry” upang maiwasan ang gate crashers at illegal recruiters.

Sa panayam kay Dr. Razel Ingco, PESO Head, kailangan maging masipag ang mga naghahanap ng trabaho kung sakaling sila ay matanggap na, huwag sayangin ang oportunidad, at maging handa sa lahat ng pagsubok sa trabaho. Dagdag pa niya, bukas ang kanilang tanggapan sa mga aplikanteng nagnanais maghanap ng trabaho.

Katuwang sa ginanap na Job Fair ang Department of Labor and Employment (DOLE), at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nakibahagi sa aktibidad si 6th District Board Member Lydio Lopez, na noon ay siyang acting Governor ng lalawigan.

Junjun Hara De Chavez, Photo: Maccvenn Ocampo – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.