Jiangsu Chamber of Commerce of the Philippines, Naghatid ng Ayuda sa Nasalanta ng Bagyong Rolly sa Batangas

Super Typhoon Rolly, Pinaghandaan ng Batangas PDRRMO
November 3, 2020
Sitwasyon ng Lalawigan ng Batangas matapos ang Pananalasa ng Bagyong Rolly, Tinalakay
November 4, 2020

November 3, 2020

Sa gitna ng mga kalamidad na sumusubok sa Lalawigan ng Batangas, patuloy din naman ang dating ng mga taong may ginintuang puso para magpaabot ng tulong.

Kabilang dito ang ipinagkaloob ng Jiangsu Chamber of Commerce of the Philippines, sa pangunguna nina Ted Tan at Hanley Zhao, sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na kinatawan nina Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Department Head Jocelyn Montalbo at Provincial Social Welfare and Development Office (PDRRMO) Assistant Department Head Fe Fernandez na 1,000 na kahon ng noodles para sa mga evacuees na naaapektuhan ng Bagyong Rolly.

Naganap ito noong ika-2 ng Nobyembre 2020 sa PDRRMO Building, Bolbok, Lungsod ng Batangas, at sinaksihan ni Ginoong Jose Carlos Pastor ng Office of the Provincial Governor.

Ang Jiangsu ay isang baybaying lalawigan sa gitnang silangang bahagi ng China, kung saan nagmula ang maraming investors at negosyante na nakaharap at nakapulong ni Batangas Gov. DoDo Mandanas.

Jayne Elarmo / Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.