Investment Opportunities sa Batangas ibinida ni Gov. DoDo sa U.S.

CALABARZON Development Guide Tampok sa 2nd Quarter RDC Meet
June 21, 2019
Batangueña, Wagi sa 14th Word Cup-Philippines
June 24, 2019

June 24, 2019

Nakadaupang-palad nina Batangas Gov. DoDo Mandanas at Atty. Gina Reyes-Mandanas sina Philippine Consul General to Los Angeles, Ambassador Adelio Angelito Cruz, at ang kanyang asawa sa Philippine Independence Day celebration sa California, USA noong June 12, 2019. Photo: Asian Journal Publications

Ilang mahahalagang mga pagtitipon at trade and investment forum ang dinaluhan at nilahukan ni Governor DoDo Mandanas sa kanyang pagbisita noong ikalawang linggo ng Hunyo 2019 sa Estados Unidos, kung saan nakadaupang-palad nito ang mga miyembro ng Filipino-American communities at mga potential investors.

Unang pinaunlakan ni Governor Mandanas, kasama si Atty. Gina Reyes–Mandanas, ang paanyaya ng Philippine Consulate sa Los Angeles, California, kung saan siya ay personal na napili bilang panauhin ni Philippine Consul

General to Los Angeles, Ambassador Adelio Angelito Cruz, sa Philippine Independence Day Reception. Dito, nakasama nila ang Filipino Community sa paggunita ng ika-121 taong anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Kasunod nito, humarap naman ito bilang Guest of Honor and Speaker sa Trade and investment Forum na inihanda ng Asian Journal Publications, ang nangungunang news media firm na naglilingkod sa mga Filipino –American Communities sa iba’t ibang bahagi ng Amerika, na ginanap noong ika-14 ng Hunyo.

Kabalikat sa pagpapakilala sa Lalawigan ng Batangas bilang isang ideal investment haven, inilatag ni Governor Mandanas sa harap ng mga kalahok ang mga pang-kaunlarang hakbang ng kaniyang administrasyon, tulad ng pagsasagawa ng mga kinakailangang mga imprastraktura at paghikayat sa mga multinational firms and companies na makipagtulungan sa mga implementasyon ng mga proyekto sa pamamagitan ng private-public partnership.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Governor Mandanas na maibahagi ang resulta ng nagganap na Midterm Elections sa bansa; ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya at politika sa lalawigan; iba’t-ibang investment opportunities sa Batangas; at, pagtalakay sa ilang mga isyu na tumutukoy sa katatayuan ng kapaligiran at likas yaman dito. / Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.