International Mother Earth Day 2021, Ipinagdiriwang ngayong Abril 22

League of Provinces of the Philippines (LPP), Patuloy ang Suporta para sa Wastong Implementasyon ng Mandanas Ruling
April 21, 2021
Relokasyon ng Ilang Opisina, 30-50% Staffing Arrangement Ipinatutupad sa Kapitolyo
April 23, 2021

April 22, 2021

Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Mother Earth Day ngayong araw ng Huwebes, ika-22 ng Abril 2021, na may temang “Restore Our Earth”.

Itinalaga ito ng United Nations General Assembly noong 2009 upang maitaas ang pandaigdigang kamalayan ng publiko sa mga hamon sa kaayusan ng daigdig at lahat ng buhay na sinusuportahan nito.

Kaugnay nito, ang PG-ENRO ay nagpapatupad ng iba’t-ibang mga programa at nagsasagawa ng mga gawain tulad ng pamamahagi ng mga forest and fruit bearing tree seedlings sa mga bayan at mga samahan; pangangalaga at pagtatanim ng mga bakawan; tuloy-tuloy na monitoring at assessment ng kalidad ng tubig mula sa mga dagat, ilog at lawa; pagtatatag at pamamahala ng mga marine protected areas; paglilinis ng mga baybaying dagat at tabing kalsada; at pagtuturo ng tamang pagtatapon ng basura at iba pa, katuwang ang mga lokal na pamahalaan (LGUs), mga miyembro ng academe, non-government organizations (NGOs), at mga pribadong samahan.

Sa kabila ng pandemya, maaari pa rin natin ipagdiwang ang Earth Day sa pamamagitan ng mga simple ngunit makabuluhang gawain, tulad ng paglilinis ng kapaligiran, pagpulot ng mga basura, pag-recycle at reuse ng mga gamit, wastong pagtatapon ng basura, pagtatanim ng mga halaman at puno sa ating bakuran o sa mga tamang lugar sa ating pamayanan, pag-iwas sa paggamit ng pesticides o kemikal sa halaman, at pagtitipid ng tubig.

Batangas PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.