July 25, 2017
Kaugnay ng Rabies Prevention, Control and Eradication Program ng Lalawigan ng Batangas, nagsagawa ang Provincial Veterinary Office ng Information Education Campaign on Rabies and Pet Ownership at Anti-rabies vaccination sa bayan ng Rosario noong ika-18 ng Hulyo taong 2017.
Ito ay naganap sa mga Barangay ng Pinagsibaan, Putingkahoy, macalamcam A, Macalamcam B, Alupay, Mabato at Salao.
Kabilang sa nabakunahan ng anti-rabies ang 157 aso, 9 pusa at 1 unggoy.
Nakilahok sa programa ang mga Veterinarians, Livestock Inspector, Agricultural Technician and farm Workers ng ProVet , Barangay Animal Health Workers, Barangay Officials, Barangay Health Workers at mga Pet owners.
Matagumpay na naisagawa ang programa sa tulong ng Rosario Municipal Agriculture Office.
Photo by ProVet/Elfie Ilustre/PIO Capitol