Independent Living and Peer Counselling, Paksa sa PWD Training

Panlalawigang Aklatan, Iniulat ang mga Serbisyo
November 19, 2018
People’s Initiative para Palakasin ang Local Autonomy, Pormal nang Sumulong
November 19, 2018

November 19, 2018

Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Persons with Disabilities sa Lalawigan ng Batangas, isinagawa ang isang Independent Living and Peer Counseling with Access Audit Training na may layuning mas malinang pa ang mga kasanayan at kaalaman ng bawat isang taong may kapansanan.

Ang apat na araw na counseling at training ay naidaos sa pamamagitan ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Edwin Abelardo De Villa, na ginanap noong ika-13 hanggang ika-16 ng Nobyembre 2018 sa Batangas Country Club.

Naging tampok na aktibidad ang pagtalakay sa independent living at ang kahalagahan nito sa mga PWDs. Dito ay naipaliwanag sa mga partisipante ang konsepto at prinsipyo ng paksa at kung paano ang isang taong may kapansanan ay magkakaroon ng pantay na antas ng pamumuhay at karapatan na tinatamasa ng taong walang kapansanan.

Naging bahagi rin ng talakayan ang Peer Counseling kung saan pinag-usapan ang mahalagang ginagampanan ng isang Peer Counselor na nakakatulong sa mental at emosyonal na kagalingan ng mga PWDs.

Samantala, sa naging huling araw ng pagsasanay ay binigyang pansin ang usapin tungkol sa accessibility ng PWDs. Dito ay nagkaroon ng access audit o pag-aaral ng tamang sukat at aktwal na pagsusuri ng mga lugar o bahagi ng gusali na nangangailangan ng accessibility na naglalayong ma-determina ang mga maaaring maging solusyon sa mga problema upang ang isang pasilidad ay mapakinabangan ng bawat isang tao na may kapansanan. ✎Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.