INC Inter-active Media Roadshow, isinagawa sa Lungsod ng Lipa

Joint Full Meeting ng Batangas Tourism Council at Batangas Culture and Arts Council, idinaos
October 11, 2019
Batangas Capitol, DBP lumagda sa ₱4 Bilyon loan agreement
October 14, 2019

October 13, 2019

Isang Interactive Media Road show ang isinagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Lipa Academy of Sports Culture and Arts noong ika-12 ng Oktubre 2019, kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Christian Era Broadcasting Service International, Inc. (CEBSI), ang Philippine television and radio network, at religious broadcast arm ng INC.

Sa gabay ng temang “See and Experience,” ilan sa kanilang inihandang programa ang film screening, multimedia exhibit, at entertainment and Bible Forum. Naging sentro ng atraksiyon ang Giant Chair, INC TV Tunnel, a-MAZE-ing Photo Maze Booth, Horse Shoe Pitch at 3D Photo wall.

Layunin ng aktibidad na maipakita sa mga tao ang kahalagahan at wastong paggamit ng social media. Ilan sa mga nakiisa ang nabigyan din ng pagkakataaon na sumubok maging TV Host at Radio Broadcaster.

Naging pangunahing bisita sa pagtitipon si Vice Governor Mark Leviste, na ibinahaging napapanahon na maisagawa ang ganitong social media interactions sa Lalawigan ng Batangas, lalo at higit para sa mga kabataang tutok sa social media.

Dagdag pa niya, nais din niyang magkaroon ng inter-active media road show sa Kapitolyo upang maipamalas naman sa mga tao ang mga tourist attractions, pagkain, at mga produkto ng lalawigan.

Dumalo at nakisaya sa pagdiriwang ang mga kapatiran ng INC mula sa iba’t ibang bayan ng CALABARZON.

Junjun Hara De Chavez, Photo: Eric Arellano – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.