Imprastraktura at Programang Pang-rehabilitasyon, Prayoridad na mga Pagawain para sa Taong 2020-2021

Batangueña TOYM 2019 Awardee, Kinilala ng Kapitolyo
March 10, 2020
PDEA at Batangas PNP: Drug-Cleared Barangays, Dumami; Crime Volume, Bumaba
March 11, 2020

March 10, 2020

Muling tinipon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Hermilando Mandanas, ang Provincial Development Council – Sectoral Committee on Physical Land Use, and Infrastructure Development sa isang pagpupulong upang talakayin ang ilang mahahalagang paksa, kabilang ang 2020 Department of Public Works and Highways (DPWH) Infrastructure Program at Regional Budget Proposal for Road and Bridge Projects for Fiscal year 2021.

Dumalo sa nasabing pulong, na ginanap noong ika- 9 ng Marso 2020 ang mga opisyal at kinatawan ng DPWH District Engineering Offices mula sa apat na distrito nito sa Batangas Province.

Sa nasabing talakayan, nagkaisa ang mga kinauukulan na bigyang prayoridad ang paglalaan ng budget sa mga proyektong higit na makapagbibigay kapakinabangan sa CALABARZON Region, partikular sa Batangas, kung saan maraming imprastraktura ang nasira at naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal noong ika-12 ng Enero.

Sa kanyang mungkahi sa lupon at mga DPHW officials, ipinaaayos at ipinasusumite ni Gov. Mandanas ang listahan ng mga priority infrastructure projects para sa agarang pagpapasa at pag-endorso nito sa National Economic Development

Authority (NEDA), sa pamamagitan ng pagsasama ng mga ito sa Regional Development Investment Plan (RDIP) na isusumite ng CALABARZON Regional Development Council.

Ayon pa kay Governor Mandanas, uunahin ng lalawigan ang mga proyektong tutugon sa calamity mitigation, tulad ng dredging ng mga major waterways sa lalawigan, kabilang ang mga ilog ng Pansipit at Calumpang, para maiwasan ang mga pagbaha tuwing may bagyo at malakas ang ulan na sanhi ng climate change.

Kasama din sa mga prayoridad na proyekto ang napinsalang provincial hospital at mga medical facilities, na nasa mga bayan sa loob ng 14-km danger zone radius ng Taal Volcano, at iba pang mga pampublikong imprastraktura na nasira at nagangailangan ng agarang tugon, sang-ayon sa isinagawang Post-Disaster Needs Assessment na isinagawa ng pamahalaang panlalawigan.

Ang mga hakbang na ito ng lalawigan ay upang agarang makakuha ng access sa pondo na ilalaan sa rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts sa mga lugar na sinalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal, alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa pamamagitan ng pagkakadeklara ng State of Calamity sa buong CALABARZON Region.

Suportado din umano ng lalawigan ang mga imprastraktura na makapagbibigay kaluwagan sa trapiko, tulad ng isasagawang Sto. Tomas Flyover Project sa Lungsod ng Sto. Tomas, at ang patuloy na pagpapatupad ng mga inilabas na mga Memorandum Circular ng Department of the Interior and Local Government, na nagtatakda ng mga guidelines “to Clear Roads of Illegal Obstructions; Regulations on Motor Vehicle Overloading and Speed Limits, at Prohibiting Tricycles, Pedicabs and Motorized Pedicabs from operating on National Highways.”

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.