Impormasyon para Makaiwas sa African Swine Flu, Ipinapakalat ng Batangas ProVet

Batangas Province, wagi sa 1st National Anti-Drug Abuse Awards
February 11, 2019
Invitation to Bid
February 13, 2019

Laban kontra sa African Swine Flu. Pinangungunahan ng Batangas Provincial Veterinary Office (PVO) ang information drive at mga pagkilos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas upang makaiwas ang pagpasok ng African Swine Flu sa Batangas Province. Makikita sa larawan si Dr. Romelito Marasigan, department head ng PVO, sa isa sa kanilang regular na pag-iikot sa mga livestock farms sa lalawigan.

February 12, 2019

Sa harap ng banta ng African Swine Flu (ASF) sa Pilipinas, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagbibigay-alam ng wastong impormasyon upang maiwasang makapasok ang nasabing sakit ng mga baboy na epidemya ngayon sa 13 bansa sa mundo.

Sa pangunguna ng Batangas Provincial Veterinary Office (PVO), sinisimulan na ang mga konkretong hakbang upang maging ligtas ang Lalawigan ng Batangas sa ASF. Ayon kay Dr. Romel Marasigan, Batangas Provincial Veterinarian, nagpalagay na ang Department of Agriculture ng mga disinfection foot mats sa mga paliparan at pantalan, kabilang ang Batangas International Port.

Nakipag-ugnayan na rin si Dr. Marasigan sa pamunuan ng Philippine National Police Batangas Provincial Office upang maglagay ng police presence sa mga Animal Inspection Checkpoints ng pamahalaang panlalawigan sa mga entry and exit routes ng Batangas Province.

Binigyang-diin ni Dr. Marasigan na hindi nakakahawa sa tao ang ASF, subalit malaking banta ito sa livestock industry ng lalawigan at ng buong bansa dahil nakamamatay sa baboy ang sakit sa loob lamang ng dalawa hanggang sampung araw.

Ibinahagi rin ng PVO ang ipinatutupad na panuntunan ng Bureau of Animal Industry na “B.A.B.E.S” na layong maiwasang makapasok ang ASF sa bansa. Ito ang:

• B-an pork imports from 13 countries;
• A-void swill feeding;
• B-lock entry at international ports;
• E-ducate our people;
• S-ubmit our samples.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.