Ika-20 Malasakit Center sa bansa, Pinasinayaan sa Batangas Provincial Hospital

Batangas Provincial Jail, Nagbigay ng Ulat
January 7, 2019
Pinakamababang Bilang ng Nasaktan sa Paputok noong Bagong Taon sa Batangas Province, Naitala
January 11, 2019

January 10, 2019

Pinasinayaan ng mga opisyal ng Malacañang at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang ika-20 Malasakit Center sa buong Pilipinas sa Batangas Provincial Hospital, sa bayan ng Lemery noong ika- 8 ng Enero 2019.

Ang pagbubukas ng One Stop Shop for Health Services ay pinamunuan nina Presidential Assistant for the Visayas, Sec. Michael Diño, at dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go. Kasama nila ang mga lokal na opisyal ng Batangas na pinangunahan nina Batangas Provincial Administrator Levi Dimaunahan, bilang kinatawan ni Governor Dodo Mandanas; Lemery Mayor Larry Alilio; Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta; Batangas Provincial Hospital Chief, Dr. Danilo Aguilera; at, Provincial Social Welfare and Development Officer Joy Montalbo.

Ang Malasakit Center ay magsisislbing one stop shop ng mga ordinaryong mamamayan na nangangailangan ng tulong pinansiyal para sa kanilang mga gastusing medikal.

Layunin nitong mabawasan ang mga inaayos na mga papeles at dokumento na kailangang isumite sa mga pagamutan para makakuha ng serbisyong medical, tulad ng libreng pagpapagamot, operasyon at pagpapalabas ng mga pasyente.

Kasama sa serbiyong hatid ng Malasakit Center ang tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Department of Social Welfare and Development.

Ito ay may tuloy-tuloy na pondo mula sa pamahalaang nasyunal, sa ilalim ng Office of the President (OP), upang makapagbigay ng tulong sa mga Pilipino. Hindi na rin umano kailangan ang iba’t ibang identification cards sa pagtungo sa mga Malasakit Centers, na mayroon ding fast lane para sa mga senior citizens.

Ayon kay Sec. Michael Diño at former SAP Bong Go, sa tulong ng mga Malasakit Centers sa buong bansa, maibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakinabangan sa mga tax payers at mga ordinaryong mamamayan.

Ang Malasakit Center sa Batangas Provincial Hospital ang ika-7 sa Luzon na handang magbigay ng medikal na atensyon sa mga Batangueño./ Edwin V. Zabarte –PIOBatangas/

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.