Ibaan Blood Olympics, Tagumpay

Tulong ng Batangas Province sa Marawi at mga Sundalo, Naihatid na
July 20, 2017
Batangas Amity Tower sa Capitol Community Park, May Plano Na
July 20, 2017

July 20, 2017

Matagumpay ang isinagawang Blood Olympics sa bayan ng Ibaan noong ika-18 ng Hulyo 2017 sa tulong ng mga opisyal ng nasabing bayan sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja at mga kasapi ng Sangguniang Bayan.

Nakiisa at naging kabalikat din sa programa ang Saint James The Greater Church, na may programang Juan Blood Life, “Dugtong Buhay, Alay sa Mamamayan ni Santiago Apostol, Kaisahan ng sambayanan ni Poong Santiago sa patuloy na paglago sa Ikalawang sentenaryo” na pinangungunahan ni Fr. Randy Randy Marques at mga parokyano ng simbahan.

Mahigit dalawang daan at apatnapu’t dalawa (242) bags ng dugo ang nakolektang sa pakikiisa ng hanay ng Batangas PNP, Department of Education at mga opisyales ng Barangay ng nasabing bayan.

Ang blood letting program na ito ay suportado ng Provincial Blood Council, sa pamumuno ni Batangas Governor Dodo Mandanas at Blood Council Chairman Jun Magana, katuwang ang Provincial Health Office, Philippine Red Cross at Batangas Medical Center.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng taunang Sandugo Awards na may temang “Give Blood, Give Now, Give Often” para sa taong 2017. Ang Provincial Sandugo Awards ay ginaganap upang kilalanin at bigyang pugay ang mga bayaning Batangueno na kaisa ng lalawigan sa pagtulong na makalikom ng sapat na blood supply na magagamit sa pagdugtong ng buhay sa kapwa sa pamamagitan ng blood donation. / Millicent Ramos; Photo by Macven Ocampo-BatangasPIO.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.