House Bill Para Gawing “commercial” ang Fernando Air Base, Muling Binuhay

BLGF Awardees 2017
February 23, 2017
Ala Eh! Governor Strengthens Ties With The PNP
March 2, 2017

February 28, 2017

Personal na ibinalita ni Deputy Speaker Ranie Abu, congressman ng 2nd District ng Batangas Province, kay Batangas Gov. Dodo Mandanas ang muling pagbuhay ng planong i-convert ang Fernando Airbase sa Lungsod ng Lipa sa Batangas na nakapaloob sa House Bill No. 469, na orihinal na iniakda ng kasalukuyang gobernador noong siya pa ang congressman ng ikalawang distrito ng lalawigan, noong ika-23 ng Pebrero 2017.

Sa isang pagpupulong, ibinahagi ni Cong. Abu sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan na muling ipinasa nito sa Special Committee on Bases Conversion ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala na mas kilala sa tawag na “An Act Providing for the Inclusion of Fernando Air Base in Lipa City, Batangas in the Conversion of Military Reservations Into Other Productive Uses Amending For The Purpose Republict Act No.7227, otherwise known as “Bases Conversion and Development Act of 1992”.

Kapwa naniniwala si Gov. Mandanas at Cong. Abu na malaki ang maitutulong ng Fernando Airbase hindi lamang sa Lalawigan ng Batangas kundi pati na rin sa buong Timog Katagalugan kapag nabuksan na ang nasabing paliparan bilang alternatibong daan ng mga commercial airplanes.

Jestoni D. Hernandez Photo: JJ Pascua PIO CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.