HIV Awareness and Family Planning Seminar, isinagawa sa Batangas City

Sea Ambulance ipinagkaloob ng Batangas Capitol sa Coast Guard – Southern Tagalog
October 7, 2019
LPU Batangas, itinanghal na Kampeon sa 18th DTI Provincial Tanghalang Pangmamimili
October 7, 2019

October 7, 2019

Upang bigyang-pansin ang ilang mga usaping panlipunan, kabilang ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) cases sa bansa, at early pregnancy at family planning, minarapat ng Barangay Pinamukan Proper sa Lungsod ng Batangas na magkaroon ng isang talakayan at pagbabahagi sa kung paano mabibigyan ng kaalaman ang bawat sektor ng pamayanan na magsisilbing gabay para sa minimithing bisyon at magandang kinabukasan.

Ang nasabing pagpupulong ay ginanap noong ika-4 ng Oktubre 2019 at dinaluhan ng ng mga Barangay Health Workers, Pantawid Pamilyang Pilipino Program members, Persons with Disabilities (PWDs), at Senior Citizens.

Sa naging ulat ni Ms. Rosemarie Mayanne Quinzon – Manalo ng University of Batangas (UB), binigyang-pansin nito na mahalagang malaman at maintindihan ang dahilan sa nakababahalang pagtaas ng kaso ng HIV na naitatala ng Department of Health (DOH) sa bansa.

Ipinaliwanag ni Ms. Quinzon na nakukuha ang sakit sa madalas na pakikipagtalik sa kung sinu-sino, partikular na ang kaso ng lalaking nakikipagtalik sa ibang lalaki. Maiiwasan umano ang paglobo nito kung magpapasuri ang lahat ng at-risk na mga indibidwal at ang pagiging responsable ng mga ito. Dagdag pa niya na maaari ding mahawa ang isang sanggol kung ang ina nito ay mayroon at nagtataglay na ng naturang sakit lalo sa pamamagitan ng breastfeeding.

Samantala, ipinamulat naman ni Ms. Shara May T. Espinol, na mula rin sa UB, ang pagtaas din ng bahagdan sa kaso naman ng early pregnancy o teenage pregnancy. Aniya, dapat paigtingin pa ang ginagawang Information Education Campaign, at ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak nang sa gayon ay matutukan ng maayos ang naturang isyu at hindi malihis ng landas o magpadala sa tukso ang mga kabataan.

Bukod dito, ibinihagi rin ni Ms. Espinol ang ilang mga hakbang sa Family Planning, kagaya ng paggamit ng mga moderno, mabisa at epektibong mga pamamaraan upang maisakatuparan ang hangarin ng mga mag-asawa na magkaroon ng minimithing dami ng mga anak at ang wastong pag-aagwat sa mga ito, alinsunod na rin sa ibinibigay na gabay ng DOH.

Ang matagumpay na seminar ay ginabayan ng temang “Hand in Hand to Educate Everybody for a Better Tomorrow,” sa pangunguna ni Brgy. Pinamukan Proper Captain Tony Ilagan.

Sally Asis-Corollo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.