Higit 5K Sumailalim sa Isinagawang Libreng 4-day Mass Testing

No Home Quarantine, Agresibong Mass Testing ipinatutupad sa Lalawigan ng Batangas
October 9, 2020
Sandugo Awards 2020, Isinagawa Online sa Unang Pagkakataon
October 10, 2020

October 10, 2020

Community Mass Testing. Sa DREAM Zone ng Kapitolyo sa Lungsod ng Batangas, 3,387 ang sumailalim sa libreng swab test mula ika-3 hanggang 6 ng Oktubre 2020. Isa ito sa tatlong itinalagang COVID-19 testing centers sa Lalawigan ng Batangas, na magkatuwang na proyekto ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa mga Batangueño, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Photo: Edwin Zabarte / Batangas Capitol PIO

240 ang nag-positibo sa 5,208 na mga indibidwal na sumailalim sa 4 na araw na libreng Aggressive Community Testing, mula ika-3 hanggang 6 ng Oktubre 2020, sa tatlong itinalagang COVID-19 testing centers sa Lalawigan ng Batangas.

Sang-ayon ito sa testing status na inilabas ng Batangas Province Inter-Agency Task Force noong ika-7 ng Oktubre, kung saan 1,430 pa ang walang resulta, samantalang 3,538 ang nagnegatibo sa swab test.

Ang programang pangkalusugang ito ay isang inisyatibo ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa mga Batangueño, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor DoDo Mandanas, at Batangas Province Inter-Agency Task Force.

Isinagawa ang mass testing sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Bayan ng Balayan; DREAM Zone, Capitol Compound sa Lungsod ng Batangas; at Laurel District Hospital sa Lungsod ng Tanauan.

Ayon kay Gov. Mandanas, naging prayoridad sa isinagawang testing ang mga lungsod at munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas na may mataas na bilang ng mga COVID-19 positive at suspected cases.
Dagdag pa ng gobernador, inaalagaan ng pamahalaang panlalawigan ang mga miyembro ng National Task Force na gumaganap sa nasabing mga proyekto, kabilang ang lahat ng gastusin sa accommodations, pagkain at iba nilang mga logistical needs.

Pinangunahan naman ng Provincial Health Office (PHO), sa pamamagitan nina PHO Department Head, Dr. Rosvilinda Ozaeta, at Batangas Province IATF Incident Commander, Dr. Gerald Alday, ang koordinasyon at pakikipag-ugnayan sa mga local government units ng lalawigan.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.