Higit 339K na mga Batangueño, Fully-vaccinated na Kontra COVID-19

Request for Quotation – PURCHASE OF 16,500 BOXES OF VITAMIN C WITH ZINC FOR THE PROVISION OF ASSISTANCE TO THE BARANGAY TANOD OF THE PROVINCE (DUE TO COVID-19 PANDEMIC)
September 2, 2021
SUPPLEMENTAL PROCUREMENT PLAN FOR THE MONTH OF JULY 2021
September 3, 2021

September 3, 2021

15.61% o 339,633 na ng populasyon ng Lalawigan ng Batangas ang fully-vaccinated matapos makatanggap ng 2nd dose ng vaccine kontra COVID-19, samantalang nasa 546,036 na mga indibidwal naman ang naturukan na ng paunang dose ng bakuna.

Ito ang iniulat ni Provincial Health Officer, Dr. Rose Ozaeta, sa pagpupulong ng mga miyembro ng Batangas Province Inter-Agency Task Force Against COVID-19 noong ika-31 ng Agosto 2021.

Binigyang-linaw din ni Governor DoDo Mandanas, na nanguna sa nasabing online meeting, na lahat ng mga bakuna na dumadating sa lahat ng lungsod at munisipalidad ng Batangas ay direktang nagmumula sa pamahalaang nasyunal, maging ang delivery at trasportasyon ng mga ito. Pinaalalahanan naman niya ang mga kababayan na patuloy na makipag-ugnayan sa mga Barangay Health Workers upang makakuha ng schedule para sa pagpapabakuna.

Inirekomenda naman ng kinatawan ng Private Hospitals Association of Batangas, na si Dr. Florentino Afable, na paramihin ang bilang ng mga BHWs at mapataas ang natatanggap ng mga itong cash incentives upang mas lalo umano ang mga itong ganahan sa paglilingkod sa kani-kanilang mga barangay. Ayon kay Dr. Afable, malaki ang nagagawa ng mga BHW sa sama-samang paglaban sa bawat komunidad sa buong lalawigan kontra sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.