November 20, 2018
1,129 na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Lalawigan ng Batangas ang nagtipon noong ika-19 ng Nobyembre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City para sa Distribution of Educational Assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.
Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas, kasama si Mrs. Merlita Salagubang-Pasatiempo ng Scholarship Division, ang pag-aabot ng tulong pinansiyal sa mga Batangueñong iskolar na may kabuuang halaga na PhP 3,950,000.
Ipinaalala ni Gov. Mandanas sa mga kabataang Batangueño na gawing prayoridad ang kanilang edukasyon. Dagdag pa niya na, sa kabila ng maraming sakripisyo at mga pagpupuyat para sa mga paper works, sabay-sabay na projects at iba pang gawain, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ng bawat iskolar ang kanilang pag-aaral para sa ikapagtatagumpay nila sa hinaharap.
Dumalo at sumuporta rin sa nasabing pagtitipon sina Board Member Hannah Beatriz Cabral, Sangguniang Kabataan Batangas Province Federation President, at 1st District Board Member Junjun Rosales. JJBPascua – Batangas Capitol PIO