Health at Development, Tinututukan ng Batangas Capitol Ngayong 2021

Youtuber Bella Racelis, Mutya ng Lipa 2021
January 22, 2021
Quarterly Allowance para sa SPED Students Muling Ipinamahagi ng Kapitolyo
January 23, 2021

January 22, 2021

Pondo para sa Vaccine, Nakahanda Na

Muling ipinahayag ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang kahandaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para mag-angkat ng karampatang bakuna para sa mga Batangueño na gustong sumailalim dito.

Sa isinagawang Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19 meeting, ibinahgi ni Mandanas na, kasama ang iba pang mga gobernador sa bansa, aktibo umano sila sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng National Inter-Agency Task Force at Department of Health para sa isasagawang vaccine roll out sa bansa.

Nakaantabay din aniya ang pamahalaang panlalawigan sa mga isinasagawang pag-aaral ng iba’t-ibang international pharmaceutical companies para sa kanilang COVID-19 vaccines, na nakalinya para sa pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA).

Sa kasalukuyan, isang COVID-19 vaccine pa lamang ang inaaprubhanng ng FDA para sa emergency use authorization (EUA) sa bansa. Sa oras umano na ibigay na national government ang permiso at tukuyin ang mabisang vaccine, binigyang-diin ni Mandanas na handa at may nakalaang pondo ang Batangas para dito.

Sa kasalukuyan, nasa ₱2 Bilyon ang handang gugulin ng pamahalaang panlalawigan para sa health and development projects taong 2021, na nakasentro sa social welfare, livelihood para sa pagpapasigla ng kooperatiba, at education infrastructure, tulad ng classrooms at day care centers sa lahat ng munisipyo at barangay.

Nakahanay din ang Health Card roll out para sa libreng pampapagamot sa indigenous population sa lalawigan, na tutugon sa mga mahahalagang medical procedures tulad ng paggamit ng laboratory at pagpapaganap ng PCR swab test sa mga district hospitals.

Patuloy din ang Kapitolyo sa pagpapalakas ng kahandaan ng Batangas para sa mga disaster at kalamidad sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga evacuation centers sa lahat ng munisipyo at pagbibigay ng mga emergency multi-purpose vehicles.

Ayon kay Governor Mandanas, ang mga proyektong ito ay siguaradong maisasakatuparan, at wala nakikitang dahilan upang hindi maipaganap. Patunay aniya na may matibay at maayos na kakakayahan ang pamahalaan sa larangan ng pananalapi, kinilalang muli ang Batangas bilang pangalawa sa pinakamayamang lalawigan sa Pilipinas, at pinakamayaman sa CALABARZON Region.

Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.