Health and Wellness Forum para sa mga Kababaihang Senior Citizens, Isinagawa

Mga Batangueño sa Larangan ng Kultura at Sining, Kinilala
December 11, 2018
Lemery, San Juan, Tanauan, Kampeon sa 2018 Gov. Mandanas Inter-LGU Sports Competition
December 13, 2018

December 13, 2018

Alinsunod sa adikhain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na mas mapagtuunan ng pansin ang aspeto ng kalusugan ng mga mamamayang Batangueño, nagsagawa ng Health and Wellness Forum na nakatuon sa pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Batangueña senior citizens.

Sa pangunguna ng Provincial Office of Senior Citizens’ Affairs at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ginanap ang nasabing forum noong ika-13 ng Disyembre 2018 sa Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) Conference Room, Capitol Compound, Batangas City, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Tinalakay sa pagtitipon ang kahalagahan ng tamang pagkain at araw-araw na pag-eehersisyo para sa mga senior citizens, lalo pa at tumataas ang panganib sa kalusugan habang tumatanda.

Binanggit din dito ang mga pagkain na dapat bawasan upang makaiwas sa mga karaniwang nagiging sakit ng mga nakatatanda, gaya ng hypertension at diabetes. Binigyang-linaw din ang mga katanungan ng mga dumalong senior citizens ukol sa kanilang isinasagawang pag-aalaga sa kanilang kalusugan.

Samantala, itinama rin sa pagpupulong ang mga maling kasanayan ng mga nakatatanda, na sa halip na makagaling sa kanilang mga pangangatawan, ay nakasasama pa sa kanilang kalusugan, gaya ng self-medication imbes na kumunsulta sa duktor tuwing nakakaranas ng sintomas ng karamdaman. ✎ Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.