Hanapbuhay, Handog sa mga Batangueña

Vlogging Workshop Isinagawa
July 4, 2018
Validation para sa Mabini Batangan Awards 2018, Isinagawa
July 5, 2018

July 5, 2018

Isa sa mga hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang patuloy na pagbabahagi ng mga kaalaman sa mga Batangueño na magagamit sa paghahanapbuhay.

Kaugnay nito, nagsagawa ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pangunguna ng kanilang Department Head Mrs. Jocelyn Montalbo, sa pakikipag-ugnayan kay 5th District Board Member Claudette Ambida-Alday, ng limang araw na Training on Cosmetology na inumpisahan noong ika-2 ng Hulyo 2018 hanggang ika-10 ng Hulyo at ginaganap sa PSWDO Training Center, Capitol Compound, Batangas City.

Nag silbing gabay ang temang “Handog na kaalaman, hanap buhay na pangmatagalan” para sa 35 Batangueña na nabigyan ng pagkakataon na sumailalim sa pagsasanay sa ilalim ng Productivity Training Program.

Kabilang sa mga pagsasanay na ginawa ang foot spa, hand spa, manicure, pedicure at nail art na inaasahang makatutulong sa mga kalahok na magkaroon ng mas produktibong pagkakakitaan. – Jean Guerra at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.