Hakbang sa Paglaban sa 2019 Novel Corona Virus, Ikinasa na ng Pamahalaang Panlalawigan

Blessing and Inauguration ng Provincial Evacuation Center sa Taysan, Batangas, Isinagawa
February 4, 2020
15% Diskuwento sa Amilyar para sa Batangas Lakeshore Towns, Ipinasa na ng Sangguniang Panlalawigan
February 11, 2020

February 6, 2020

Batangas City- Nilinaw ng Batangas Provincial Health Office na wala pang naitatalang positibong kaso ng 2019 Novel Corona Virus (NCoV) sa lalawigan, taliwas sa mga kumakalat na usapan at posts sa social media.

Ang paglilinaw na ito ay ipinahayag ni Dr. Rose Ozaeta, Batangas Provincial Health Officer, sa ginanap na Meeting for the Preparedness and Response to the 2019 Novel Corona Virus na dinaluhan ng mga health sector professionals at miyembro ng media noong ika-5 ng Pebrero 2020 sa Batangas Provincial Auditorium.

Kasamang nakiisa sa paghahanda para sa NCoV ang mga kinatawan ng Batangas Medical Center, mga doktor at opisyal ng mga government hospitals, health units at private hospitals sa lalawigan, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine at Philippine National Police.

Sa inilabas na direktiba ni Batangas Governor DoDo Mandanas sa ilalim ng Executive Order No. 2 HIM-03 series of 2020 o An Executive Order Directing the Institution of Precautionary Measures Against the 2019-Novel Corona Virus Acute Respiratory Disease (2019 NCoV-ARD) in the Province of Batangas, inilatag ng Provincial Health Office at ng Department of Health Region 4-A ang interim guidelines at protocol para sa pagharap sa 2019 NCoV.

Ilan sa mga pinagtalakayan ay ang diskusyon para sa pagpapalawak ng case detection, risk communication para labanan ang pagkalat ng fake news, presentasyon ng Incident Command System at response plan, at ang referral system ng mga Person Under Investigation (PUI) at suspected cases.

Sa kasalukuyan, may mga PUIs na nasa mga pagamutan sa lalawigan, na nagpapakita ng ilang sintomas tulad ng lagnat, pamamaga ng lalamunan, sakit ng ulo at katawan, panghihina at ubo, ngunit hindi pa ito mga positibong kaso ng NCoV. Sila ay kasalukuyang nasa mga isolation rooms at sumasailalaim sa quarantine procedures.

Nagkaisa ang mga dumalo sa pagtitipon na kinakailangang maisagawa ang mabilisang case detection at sampling sa lalawigan upang agarang matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong indibidwal, at mapigilan ang pagkalat ng NCoV .

Hinihiling ng pamunuan ng PHO sa publiko na naging mapagmatyag at makiisa sa mabilisang pag-uulat ng mga hinihinalang kaso ng NCoV.

Hinihikayat din ang mga mamamyang Batangueño na patuloy na isagawa ang mga sumusunod na hakbang upang makaiwas sa NCoV, tulad ng regular na paghuhugas ng kamay; iwasan ang paghawak sa sa ilong, bibig at kamay kapag hindi pa naghuhugas ng kamay; pagtatakip ng bibig at ilong kapag umuubo at bumabahing; umiwas sa mga taong nagpapakita ng mga sintomas ng respiratory disease; magsuot ng face mask kapag nasa matataong lugar; lutuing mabuti ang mga produktong karne; manatili sa bahay kapag may sakit; panatilihing malinis ang paligid ng bahay at lugar ng trabaho; at iwasan ang pagbiyahe sa mga lugar at bansa na may positibong kaso ng 2019 NCoV.

Edwin V. Zabarte, Photos: Karl Ambida – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.