Hakbang para sa Pagpapabilis ng Akreditasyon ng mga Medical Facilities, Isinusulong ni Gov. Mandanas

Notice of Vacant Position
September 22, 2020
COVID-19 National Task Force, Bumista sa Lalawigan ng Batangas
September 24, 2020

September 24, 2020

Nakatakdang makipag-ugnayan ang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Governor DoDo Mandanas, sa mga kinatawan ng Department of Health at National Inter –Agency Task Force on COVID-19 upang pagtalakayan ang mga usapin sa pagpapabilis ng akredistasyon ng mga health facilities sa Lalawigan.

Partikular dito ang akreditasyon ng mga ospital na magtatakda sa mga ito bilang Level 2 and 3, at mga itatayong mga laboratoryo para sa mga COVID-19 testing centers sa lalawigan.

Kabilang ito sa agenda sa pagpupulong ng Batangas Provincial Inter-Agency Task Force noong ika-21 ng Setyembre 2020.

Ayon kay Gov. Mandanas, nakikita ng pamahalaang panlalawigan ang mahigpit na pangangailanagan ng Batangas ng mga medikal na pasilidad na nakahandang tumugon, hindi lamang sa emergency situations, kundi pati na rin sa panahon na may kalamidad, kabilang ang kasalukuyang pandemya.

Dagdag pa dito ang pagpapalakas ng contact tracing at testing capacity ng lalawigan, na maisasakatuparan lamang kung magkakaroon ng mga dedicated testing laboratories na makakapagsilbi sa madamihang bilang ng mga pasyente.

Sa ipinalabas na ulat ng Batangas IATF hinggil sa mga pagpupulong nito sa mga private medical corporations, iniulat ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, na nasa level 2 visitation na ang naisagawa ng mga kinatawan ng DOH para sa testing laboratories sa Laurel District Hospital sa Tanauan City, samantalang ang ibang laboratory site ay sumailalim na sa unang bahagi ng ebalwasyon para sa akreditasyon ng mga ito.

Nauna nang ipinahayag ng Batangas governor na handa ang lalawigan na magbigay ng lugar at gusali sa mga lupain at ospital na pag-aari ng pamahalaan para sa mga itatayong COVID-19 testing laboratories.

Ipinagbigay-alam din ni Mandanas na ang nakatakadang pagpupulong niya sa mga opisyal ng Philippine Red Cross para maiayos ang isang partnership agreement kaugnay ng PCR Testing para sa Batangueño public, lalong lalo na sa mga frontliners.

Nagbilin din ang gobernador ng ilang mahahalagang tagubilin sa mga opisyal na kasapi ng Batangas IATF, tulad ng patuloy na isagawa ang mga programang may kaugnayan sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga medical facilities sa buong lalawigan, patuloy at aktibong komunikasyon ng lahat ng mga medical professionals sa buong lalawigan na tumutugon sa COVID 19 pandemic, at patuloy na pagsasagawa ng monitoring ng mga COVID-19 recovered patients sa lalawigan.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.